Day 22: Grandparents

134 9 0
                                    

[Day 22: Grandparents]

KYLIE'S POV

Pasulyap-sulyap ako sa babaeng nasa 'di kalayuan mula sa kinauupuan namin dito sa simbahan. Hanggang sa matapos ang misa ay hindi ko siya tinigilan tingnan dahil gusto ko siyang makausap pagkatapos ng misa.

"Ma, Papa, hindi po muna ako sasabay sa pag-uwi sa inyo. Pupuntahan ko po si Angel," paalam ko sa kanila, sabay turo sa direksyon kung nasaan si Angel.

"O, sige. Mauna na kami."

Pag-alis nila Mama at Papa, naglakad na ako palapit kay Angel. Kasama nito ang kanyang boyfriend. Hindi ko sana balak abalahin ang date ng dalawa pero kinakati akong makausap siya.

"Hi, Angel."

"Oh! Kylie?" gulat niyang sabi. "Ngayon na lang ulit kita nakita. Kumusta?"

"Okay lang," nakangiting tugon ko sabay lingon sa boyfriend niya. "Pwede ko bang mahiram ang girlfiend mo sandali? Gusto ko lang siyang makausap."

"Oo naman," sagot nito at bahagya pang natawa. "Sige, maiwan ko muna kayo. Bibili lang ako ng pagkain."

Pumasok ulit kami sa loob ng simbahan. Wala ng tao bukod sa aming dalawa ni Angel. Naupo kami sa isang upuan at doon nag-usap. Wala akong masabi noong una pero pinilit ko pa rin sabihin sa kanya ang nangyari sa amin ni Jordan.

"Nagkita na ulit kami ni Jordan, Angel," paninimula ko. "At wala na kami."

Sobrang nagulat siya sa sinabi ko. Nakakunot noo siya at bahagyang nanlaki ang mga mata. Naging saksi siya sa love story namin ni Jordan kaya marahil mahirap sa kanyang tanggapin at paniwalaan ito.

"Bakit?" malungkot niyang tanong.

"Nalaman kong niloloko niya ako. May relasyon din pala sila ni Eunice at ang masakit pa do'n ay buntis ngayon si Eunice at siya ang ama."

Napahawak siya sa kanyang bibig at nabigla sa mga sinabi ko. Napailing siya. "Nagawa 'yon sa 'yo ni insan?"

"Maging ako ay nahirapan ding paniwalaan ito."

"Sorry Kylie sa ginawa niya sa 'yo. Ako na ang humihingi sa 'yo ng tawad. Pero sana walang magbago sa pagkakaibigan natin."

"Wala kang kasalanan kaya walang magbabago sa atin. We will remain friends," nakangiting sabi ko.

"Ano kayang pumasok sa isip niya at nagawa niya 'yon? Tsk. Gusto ko siyang sampalin ngayon at nang ma-realize niya kung anong sinayang niya," galit na sabi ni Angel.

Nag-usap pa kami ni Angel hanggang sa dumating ang boyfriend niya at bawiin na ulit siya sa akin. Niyaya nila akong sumama sa kanila pero tumanggi ako. Bukod sa ayaw kong masira ang date nila, ayaw ko rin naman na maging third wheel. Besides, I will just feel jealous on them.

Habang nag-aabang ng masasakyan pauwi, naka-receive ako ng text message galing kay Troy.

From: trxy
Nasa'n ka?
Received: 10:34am

To: trxy
Nagsimba ako ngayon. Why?
Sent: 10:35am

Tinanong niya kung nasaan ako mismo naroon at nang sabihin ko kung nasaan ako, manatili lang daw ako rito. Nagtataka man ay hindi ako umalis sa kinaroroonan ko. Mayamaya ay bigla na lamang siyang sumulpot sakay ng kanyang motor.

"Why are you here?" gulat at nagtataka kong tanong.

Ngumiti lang siya at hindi sinagot ang tanong ko. Inabot niya sa akin ang isang helmet. Kinuha ko naman ito pero hindi ako gumalaw. Napansin niya siguro na naguguluhan ako kaya nagsalita siya.

Game Changer Onde histórias criam vida. Descubra agora