Chapter 18: Mutual affection

171 10 0
                                    

[Chapter 18: Mutual affection]

TROY’S POV


“Mahal kita, Troy.”

Nabigla ako. Hindi nakapagsalita agad. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Totoo ba ang narinig ko? Hindi ba ako nabingi lang? Talaga bang sinabi ni Kylie na mahal niya ako?

Hindi ako makapaniwala no’ng una pero sa ilang ulit na pagrehistro sa utak ko ng sinabi niya, unti-unti na akong naniwala. Pero wala pa rin akong maisip na sabihin. Parang nawala ako sa ulirat. Tanging ang mabilis na pagtibok lang ng puso ko ang nararamdaman ko.

“Troy?”

Saka lang ako natauhan nang tawagin niya ako. Ilang sandali ba akong nawalan ng kibo at nakatulala lamang sa kanya? Agh! Hindi ko talaga alam ang sasabihin ko.

“Okay ka lang? Ba’t namumula ang mukha at tainga mo?” tanong niya na parang wala lang sa kanya ang pag-amin niya sa akin habang ako’y halos masiraan na ng ulo.

“Okay l-lang ako,” nautal kong tugon. “Nabigla lang sa sinabi mo. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko mula sa ‘yo.”

“Na ano?” tanong niya. “Na mahal kita?”

Talagang inulit niya pa. Shit! Parang sasabog ako sa sobrang saya at kilig. Hindi ko mapigilang itago. Grabe!

“Totoo bang mahal mo talaga ako?” paninigurado ko.

Ngumiti siya at tumango. “Oo nga. Mahal na mahal na mahal kita,” sabi niya na tuluyang nagpasabog sa puso ko. “Sorry kung ngayon ko lang nasabi sa ‘yo. Sorry kung pinagtulukan kita palayo para kay Clara. Sorry kung hindi kita ipinaglaban. Sorry sa lahat, Troy.”

Shit! I love her too. I love her so much and I missed her and I want to hug her and I want to claim her lips right now. I’m going crazy!

“Hindi ko alam kung ano pang dapat kong sabihin pero handa na akong magmahal ulit, Troy. Handa na akong buksang muli itong puso ko para sa ‘yo. Hahayaan na kitang pumasok dito. Hahayaan ko nang magsimula ang ating kwento at—”

Hindi na niya natapos ang gusto niyang sabihin dahil sa bigla kong paghila sa kanya palapit sa akin. Hinawakan ko ang kanyang magkabilang pisngi saka yumuko at ipinagdikit ang mga labi namin. Hindi ko na talaga napigilan pang angkinin ang kanyang mga labi.

Ilang sandaling nanatiling magkalapat ang aming mga labi hanggang sa ako na ang bumitaw. Halatang gulat siya sa ginawa ko dahil napahawak siya sa kanyang bibig habang gulat na nakatitig sa akin.

“Mahal na mahal din kita, Kylie. ‘Di mo alam kung ga’no ako kasaya na marinig mula sa ‘yo na mahal mo rin ako.”

Ngumiti siya at hinawakan ang pisngi ko. Napapikit ako nang marahan niya itong haplusin. Hindi pa rin matigil sa pagtibok nang mabilis ang puso ko. Parang wala itong balak tumigil hangga’t nasa harapan ko ang babaeng dahilan kung bakit ito ganito.

“Masaya ako na masaya ka kaya hindi ako magsasawang sabihin sa ‘yo na mahal kita. Papatunayan at ipaparamdam ko palagi ang pagmamahal ko sa ‘yo katulad kung paano mo iparamdam sa akin ang pagmamahal mo.”

Nagulat ako nang hawakan niya ang kwelyo ng uniform ko at hinila ito. Muling napalapit ang mukha namin sa isa’t isa. Tumingkayad siya at hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa. She kissed me. My lips landed on hers again. Our lips touched again for the second time.

Game Changer Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin