[Day 16: Why?]
KYLIE'S POV
From: trxy
Good morning! Gising na, may pasok pa tayo.
Received: 6:23amTo: trxy
Good morning din. Kanina pa ako gising.
Sent: 6:23amFrom: trxy
Gano'n ba? Have a good day then. Keep safe.
Received: 6:24amTo: trxy
Same to you. And thank you for hanging out with me yesterday. I really had a good time.
Sent: 6:25amFrom: trxy
Masaya ako na nag-enjoy ka :)
Received: 6:25amTo: trxy
Sige na. Mamaya na at baka pareho tayong mahuli sa klase kung hindi pa natin 'to ititigil. Haha.
Sent: 6:26am"So textmate na kayo?" tanong ni Helen na malapad kung makangiti. "At nagkaro'n pa ng date kahapon?"
"It was just a friendly date, Helen." pag-tama ko sa kanya.
"Naku! Hindi mo na kailangan itanggi. Wala naman magagalit kung nakikipag-date ka na sa iba, eh."
"I'm still in a relationship with Jordan," paalala ko sa kanya.
"If I were you, ibabaling ko na sa iba ang atensiyon ko kung wala na rin naman kwenta ang boyfriend ko. My God! It's almost one month, Kylie. You should stop waiting for someone na wala nang kasiguraduhang babalik pa ."
"Hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa."
"Kahit alam mo na posibleng may kalokohang nagawa ito with Eunice?"
"Papakinggan ko ang explanation niya."
"Ewan ko sa 'yo! Ikaw na nga bahala sa love life mo," nakasimangot niyang sabi kaya tinawanan ko na lang.
From: trxy
Happy lunch time! Don't skip your lunch.
Received: 12:11pmTo: trxy
I'm having my lunch right now.
Sent: 12:11pmFrom: trxy
Good.
Received: 12:12pm"Uy! Magkatext na naman sila," sambit ni Helen na may ngisi sa labi matapos makita ang conversation namin ni Troy.
"Because we're friends," tugon ko.
"And soon to be lovers!" dagdag niya.
Napailing na lang ako. Mula nang makuwento ko sa kanya si Troy, palagi niya na lang akong tinutukso. Wala na siyang bukambibig kundi ang pag-matchmake sa aming dalawa.
Pagbalik namin ng classroom after lunch, walang discussion na nangyari. Nag-share lang ang adviser namin tungkol sa napag-usapan nila sa nalalapit na Intramurals. Marami ang na-excite nang sabihin ang mga activities at sports. Magkakaroon ng tournaments.
Mas na-excite at naghiyawan ang buong klase lalo na ang mga babae nang mabanggit na may makakalaban ang school namin na ibang school. Ang dami nilang naiisip pero isa lang ang naiisip ko. Si Jordan. Kung nandito lang siguro siya, malamang sasali rin siya ng basketball kaya mapapabilang ako sa cheering squad. Napangiti na lang ako dahil sa naiisip ko.
From: trxy
Good evening.
Received: 7:14pmTo: trxy
Good evening. How was your day?
Sent: 7:15pmFrom: trxy
Medyo nakakapagod. Nagkaro'n pa kasi kami ng practice sa basketball pagkatapos ng klase kaya kauuwi ko lang din ng bahay.
Received: 7:15pmTo: trxy
Galingan mo!
Sent: 7:16pmFrom: trxy
Para sayo, gagalingan ko :)
Received: 7:17pmTo: trxy
Do it for yourself, not for me.
Sent: 7:18pmFrom: trxy
Naging parte ka ng pagbabago ko kaya gusto ko ring maging parte ka ng mga tagumpay ko.
Received: 7:18pmFrom: trxy
Kylie?
Received: 7:19pmTo: trxy
Bakit?
Sent: 7:20pmFrom: trxy
Nag-aalangan akong sabihin sayo ito mula pa no'ng isang araw.
Received: 7:20pmTo: trxy
Ang ano?
Sent: 7:21pmFrom: trxy
May pumipigil sa akin na sabihin sayo kasi masasaktan ka pero kailangan mo rin naman malaman.
Received: 7:21pmTo: trxy
Hey! Kinakabahan ako. 'Wag ka nang magpaligoy-ligoy. Sabihin mo na sa akin.
Sent: 7:21pmFrom: trxy
May na-receive kasi akong message galing sa isang number tungkol sa boyfriend mo.
Received: 7:22pmTo: trxy
Tapos?
Sent: 7:22pmFrom: trxy
Teka. Forward ko na lang sayo ang text.
Received: 7:23pmMabilis na nakuha ko ang forwarded text message ni Troy. Nanginginig ang kamay ko habang hawak ang cellphone ko. Natatakot ako sa mababasa ko. Alam kong hindi ito maganda kaya humugot ako nang malalim na hininga bago ko buksan ang message.
Natigilan ako matapos ko itong basahin. Naramdaman ko na lang ang pagkirot ng puso ko at ang sunod-sunod na pagtulo ng mga luha mula sa mata ko. Paano nagawa sa akin ni Jordan ang bagay na hindi ko akalain na magagawa niya?
BINABASA MO ANG
Game Changer
Teen FictionTroy Kieron Cardenal became antisocial because of an embarrassing experience he had in his elementary days, a reason why he's still single since birth. But, his normal life will suddenly change after buying a lost cellphone from his friend. For the...