STORY #14 (True Story)

16.1K 189 31
                                    

NOTE: Ito yung karugtong ng STORY #13 na story ni @GwenMadylinePadilla. Kaya ko isineparate ang story na to dahil may isa pang litrato na isinend sakin si @GwenMadylinePadilla.

(Nasa MULTIMEDIA yung isang litrato na nakunan ni @GwenMadylinePadilla.)


Kung mapapansin niyo sa litrato, may nakadungaw na babae sa pinakaunang bintana. Pano mangyayaring may nakadungaw na babae sa bintana kung sa mga oras na yan which is alas tres ng madaling araw ay nasa loob ng gym ang lahat ng teachers pati na ang mga estudyante at tulog?

Part 3


Matutulog na sana si @GwenMadylinePadilla nun dahil takot na takot na siya nang kinausap siya ng kaibigan niya na itago nalang natin sa pangalan na Kate.

"Gwen, may naisip ako. Try kaya nating magvoice record? Baka may marinig tayo." Suggestion ni Kate. Agad naman siyang binatukan ni @GwenMadylinePadilla.

"Hibang ka ba? Paano kung meron nga?" Tanong ni @GwenMadylinePadilla dahil nafefeel niya talaga na may iba pa silang kasama sa loob ng gym.

"There's only one way to find out." Ang sagot sa kanya ni Kate pagkatapos ay ini-on na ang voice recorder ng phone nito.

Kinuha yun ni @GwenMadylinePadilla at inilagay sa gilid niya. Naghintay sila ng isang oras nun bago nila inistop yung recording. Nung pinakinggan nila, nadismaya daw sila kasi yung narinig nila ay ang kumakain ng chichirya na si Dani tapos sumisipol sipol pa siya. Pero kahit ganun ay di pa rin nila inistop yung pakikinig sa narecord nila. Sa kalagitnaan ng pakikinig nila ay may narinig silang paakyat na natural lang dahil may mga nagbabantay na mga teachers sa kanila kaya papatayin na sana ni @GwenMadylinePadilla yung voice record pero may narinig sila galing sa narecord na naghahum na babae. Nakakatakot yung paghahum niya at feeling nila, sobrang lapit yun sa kanila. Nagising yung ibang kasama nila dahil sa babaeng naghahum. Maya maya naman ay may narinig ulit sila sa narecord. Mga batang naglalaro na parang ang lapit lapit lang din sa kanila.

Napaisip si @GwenMadylinePadilla. Paano daw nangyaring may naghahum na babae at naglalarong mga bata na narecord sa voice record eh bukod sa teachers eh sila nalang magbabarkada ang gising?

Araw ng paggawa- May 5, 2014

Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KAKATAKUTAN part 2! [COMPLETED]Where stories live. Discover now