STORY #64 (True Story)

5.9K 118 3
                                    

This story is from @MisskpopPanda.

Ang nakaranas ng kababalaghang 'to ay si @MisskpopPanda, ang Tito niya at Tita niyang may third eye.

Batang Babae

Isang gabi, may napanaginipan si @MisskpopPanda. Napanaginipan niya na nakahiga siya sa lapag ng kwarto niya. Madilim daw sa loob ng kwarto at maya maya pa, bigla siyang napatingala dahil bumubukas sara daw ang pintuan ng kwarto niya. Pagtingin niya sa may bandang gilid ng pinto, may nakita siyang batang babae. Puti ang tshirt na suot nito. May mahaba itong buhok na medyo wavy at may bilugan din itong mata na isa lang ang kita dahil parang sumisilip lang ito sa gilid ng pinto. Pagkatapos nun ay hindi na matandaan ni @MisskpopPanda ang mga sumunod na nangyari sa panaginip niya.

Makalipas ang ilang araw, naalala ni @MisskpopPanda ang napanaginipan kaya napagpasyahan niyang sabihin iyon sa Tito niya pero habang nagkukwento siya, napapatawa ang Tito niya kaya tinanong niya ito.

"Bakit ka natatawa Tito?"

"Niloloko mo ba ako? Kala mo matatablan ako ng takot? Narinig mo lang ang kinuwento ko kaya gumagawa ka--" Bigla daw itong naputol sa pagsasalita na para bang may naalala.

"Bakit Tito?"

"Ay teka! Andito ka ba nung nagkwento ako tungkol sa panaginip ko?"

"Ha? Anong panaginip?" Takang tanong naman ni @MisskpopPanda na walang kaalam alam sa pinagsasabi ng Tito niya kaya nagsimula na itong magkwento sa kanya tungkol sa panaginip din nito.

Nanaginip din daw ito ng batang babae na nasa may pintuan ng kwarto niya nakatayo. Duguan ang kabilang parte ng mukha nito. Hinihila daw ang Tito niya palabas ng kwarto.

Mga ilang araw ulet ang nakalipas simula noong magkwentuhan sila @MisskpopPanda tungkol sa magkakaparehong panaginip nila ng Tito niya ay biglang dumating ang Tita niya para samahan silang magcelebrate ng birthday ng Nanay ni @MisskpopPanda. Sa pagkakaalam nila ay may third eye ito kaya nung matapos ang celebration ay napagpasyahan nila ng Tito niya na tanungin ito kung may nakita daw ba ito. At ito ang sagot ng Tita niya...

"Actually, oo. Isang batang babae. Nakawhite na tshirt. May bilugang pares ng mata at medyo wavy ang mahaba nitong buhok at may dugo siya sa kabilang parte ng mukha."

Dahil doon ay biglang parang lumaki ang ulo ni @MisskpopPanda. Nagsitayuan din ang mga balahibo niya dahil ang nakita niyang batang babae sa panaginip ay katugmang katugma ng sinasabi ng Tito at Tita niya. Ang pinagkaiba nga lang ay wala siyang nakitang dugo sa mukha nito pero agad na nagbalik sa isip niya na ang kabilang parte ng mukha lang pala ang nakita niya dahil nakasilip lang ang bata sa pintuan ng kwarto niya.

Ang tanong, iisa lang ba ang bata sa panaginip ni @MisskpopPanda at Tito niya sa nakita ng Tita niya? Kung oo, sino nga kaya ang batang iyon? At bakit siya nagpapakita?

Araw ng paggawa- February 14, 2015.

Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KAKATAKUTAN part 2! [COMPLETED]Where stories live. Discover now