STORY #85 (True Story)

4.7K 105 6
                                    

This story is from @jessy_M24.


Itong storyang ito ay narinig lang ni @jessy_M24 sa Papa niya.


September 10, 2012 yun. Alas onse ng gabi. Umuwi ang magkasintahan galling peryahan. Fiesta kasi nun sa lugar nila @jessy_M24.


Habang naglalakad ang magkasintahan sa liblib at madilim na lugar ay biglang nakadama ng pagka-ihi ang babae kaya naman nagpaalam ito sa boyfriend niya na iihi muna sa damuhan. Nung pumayag ang boyfriend ng babae ay agad siyang nagtatatakbo sa damuhan at umihi. Nung tapos na siya sa ginagawa niya at kasalukuyang nagsusuot ng panty ay nakarinig siya ng tunog ng KIKIK. Mahina ang tunog ng Kikik. Meaning nun ay malapit lang ito sa kanya kaya naman agad niyang binilisan ang pagsusuot ng panty at pantalon at tumakbo na patungo sa kinatatayuan ng boyfriend niya. Agad niyang sinabi dito ang narinig niya pero parang hindi daw nakikinig ang lalake sa kanya dahil parang may tinitignan ito sa likod niya kaya naman unti unti niyang nilingon ang tinitignan ng boyfriend niya at napatili nalang siya sa nakita. Isa iyong malaking uwak na tao ang ulo. Nasa ibabaw ito ng puno ng Kamias. Nung mapansin daw nito na nakita nila siya ay agad itong lumipad palapit sa kanila kaya naman agad na nahila nalang ng babae ang kanyang boyfriend patakbo.


Takbo lang sila ng takbo hanggang sa makakita sila ng mga kabahayan. Agad silang nagsisisigaw para humingi ng tulong kaya agad namang nagsilabasan ang mga tao sa mga kabahayan at tinulungan sila. Bigla namang nawala ang Kikik na kanina lang ay ilang dipa nalang ang layo sa kanila ng boyfriend niya.


Nung mahimasmasan na sila ay agad silang tinanong ng mga tao.


"Bakit kayo hinahabol ng Kikik? Buntis ka ba Ineng?"


"Hindi po!" Agad naman na tanggi ng babae pero alam niya sa sarili niyang may nabuo nung minsang may mangyari sa kanila ng boyfriend niya.



Araw ng paggawa- May 22, 2015.

Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KAKATAKUTAN part 2! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon