STORY #86 (True Story)

5.1K 93 11
                                    

This story is from @saranghaexx.


Sabi ng Lola ni @saranghaexx, maliit na bata pa lang daw siya ay gustuhin at lapitin na siya. Hindi lamang mga totoong tao kundi pati na din mga nakatira sa mundong ibabaw na sa ayaw at sa gusto man nating paniwalaan ay nag-e-exsist.



Story 1


Ang storyang ito ay may pagkakahawig sa STORY #74.


First encounter niya ng mga hindi pangkaraniwang kababalaghan ay noong nasa grade 2 pa siya.


Tuwing maliligo si @saranghaexx noon sa umaga bago pumasok sa eskwela ay nakahiligan na niyang kantahan o kwentuhan ng mga napapanood niya sa TV o di kaya ay tungkol sa mga kaibigan niya ang bowl ng C.R na nasa banyo nila. Hindi naman talaga ang tubig sa bowl o ang bowl ang kinukwentuhan niya kundi ang sarili niya lang din na makikita niya sa repleksyon sa tubig.


Ilang araw nga makalipas niyang simulang gawin yun ay parang may iba na siyang nararamdaman sa paligid. Para bagang may nakasunod sa kanya kaya panay ang lingon niya sa likod. Naparanoid siya sa paligid niya.


Makalipas nga ang halos isang linggo ay nagsimula na siyang lagnatin. Hindi siya nun sakiting bata kahit na puro hindi masusustansyang pagkain ang kinakain niya kaya laking pagtataka ng pamilya niya nang magkasakit siya ng wala man lang rason. Tatlong araw siya nung inapoy ng lagnat at kahit na anong ipa-inom sa kanyang gamot at kahit anong alaga sa kanya ay hindi talaga bumababa ang lagnat niya.


Kaya isang araw ay napagpasyahan na ng pamilya niya na lumapit sa isang albularyo at doon nila nalaman ang dahilan ng biglaang pagkakasakit niya.


May itim daw na lalake ang nagkagusto kay @saranghaexx at nakatira iyon sa bowl na nasa C.R. Weird pero yun ang sinabi ng albularyo. Binigyan pa sila nito ng langis na dapat daw I-flush sa bowl at dasalan para hindi na siya muli pang balikan. Ginawa naman agad ito ng Lola niya pagkadating nila sa bahay. Napagpasyahan din ng mga ito na pagawan ng takip ang bowl ng C.R. At makalipas lang ang isang araw ay agad na humupa ang lagnat ni @saranghaexx.


Simula nga noon ay pinapaliguan na siya ng Lola niya hanggang sa nag-grade 3 siya para ma-iwasan niya na buksan ang bowl at makipag-usap na naman sa repleksyon niya.



Story 2


She was still in second grade when this happened. Late November yun nang magkayayaan silang tatlo na magpipinsan na libutin ang school nila para mag-ghost hunting. Simula kasi nung Kinder siya ay naririnig na nila ang mga usap usapan na dating sementeryo ang eskwelahan nila pero ayon din naman sa isang matandang lalakeng isa sa mga teacher nila sa eskwelahang yun na si Mr. Cabal ay dati daw na hospital ng mga sundalo ang eskwelahan nila. Kaya naman dala na din ng kusyunidad ay talagang tumakas pa talaga sila sa mga magulang nila para lang isagawa ang adventure na iyon kasama ang dalawa niyang pinsan.


It was half past 6 in the evening kaya naman naisipan na nilang simulan ang adventure. Una nilang sinilip ang bawat classroom habang ini-ilawan ito ng dala dala nilang mga flashlight pero ganun nalang ang pagkadismaya nila dahil wala naman silang nakitang kakaiba.


Maya maya pa ay napansin nilang tatlo na bukas ang ilaw sa pinakadulong classroom sa south wing ng eskwelahan kaya agad silang nagtatatakbo dun para silipin ang nasa loob. Pero hindi multo ang nakita nila dahil adviser ng grade 2 section 5 ang nakita nila doon na si Mrs. Reyes. Gumagawa ito ng visual aids.


At dahil na din sa nawalan na sila ng ganang mag-ghost hunting ay napagpasyahan nalang nilang pumasok sa room na iyon at makipagkwentuhan sa guro.


Ang unang limang minuto ng pagkukwentuhan nila ay naging maayos naman hanggang sa mapansin ni @saranghaexx na biglang gumalaw ang desk na katabi niya na para bang may nagtulak dun ng mahina. Pero dahil sa hindi naman talaga siya sigurado sa nakita ay ipinagsawalang bahala nalang niya iyon.


Ilang minuto pa ang nakalipas ay natapos na din ni Mrs. Reyes ang visual aids na ginagawa nito kaya naman tinulungan nalang din nila sa pagliligpit at pagwawalis ng kalat ang guro. Pero habang nagwawalis si @saranghaexx ay kitang kita ulit niya na gumalaw ang desk na katabi at this time, hindi na siya pwedeng magkamali. Gumalaw talaga iyong mag-isa. Pero dahil na din sa apat naman silang nasa loob ng classroom ay hindi nalang din siya natakot.


Maya maya pa ay tapos na nilang nilinis ang classroom. Agad silang nag-agawan sa mga gamit ni Mrs. Reyes para tulungan ito dahil magpapadlock pa ito. Pagkatapos nga nitong magpadlock ay sabay sabay na silang naglakad palayo sa classroom pero hindi paman sila tuluyang nakakalayo nang bigla silang makarinig ng ingay mula doon. Sa pagkabigla kung ano ang nangyari ay agad silang napatakbo na apat pabalik doon pero nangilabot sila sa nakita nila.


Tumba ang lahat ng desk pati na ang teacher's desk. Nagkalat din ang mga bubog ng mamahaling flower vases na nakadisenyo sa bawat sulok ng classroom at bilog na salamin na nakasabit pa kanina malapit sa C.R.


Sa nakita ay agad na binuksan ni Mrs. Reyes ang classroom kahit pa delikado ang ginawa niyang iyon para I-check agad kung may tao bang nakapasok pero bigo siya dahil wala siyang nakita ni bakas man lang. Kahit nga anong paghahanap nila sa butas na maaaring pasukan ng kung sino mang gumawa noon ay wala silang mahanap. Kaya naman tinawag nalang ni Mrs. Reyes ang janitor na nakatira sa loob ng eskwelahan para linisin ang mga kalat, ang security guard para ipaalam ang nangyari at ang mga magulang nila @saranghaexx para sunduin na sila.



Araw ng paggawa- June 03, 2015.


Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KAKATAKUTAN part 2! [COMPLETED]Where stories live. Discover now