STORY #89 (True Story)

4.3K 90 6
                                    

This story is from @saranghaexx.


Story 7


Simula nang lumipat sila @saranghaexx at ang Lola niya sa Manila ay sa isang maliit na private school na siya nag-aaral ng high school na dalawang kanto lang ang layo mula sa bahay nila.


Bawat taon, parami ng parami ang mga estudyante sa kanilang paaralan kaya naman nung mag-4th year si @saranghaexx ay nirentahan na ng eskwelahan nila ang buong floor ng isang malaking building na malapit lang din sa school nila at doon na sama-sama ang mga high school students.


Ever since na nagsimula nilang gamiting mga higschool students ang building na yun ay hindi na sila natahimik. Creepy daw kasi ang lugar lalo na ang girl's restroom. Medyo may kalakihan kasi ang restroom na iyon kaya naman mayroon itong limang cubicles, isang malaking salamin at tatlong sink. Ang mas nakapagpadagdag pa ng pagkacreepy sa restroom ay ang malaking butas sa ceiling sa pagitan ng fourth and fifth cubicle kaya naman iwas sila na gumamit doon. Laging cubicles one to three lang ang ginagamit kahit sino mang estudyanteng babae ang tanungin.


Dahil hindi naman lalampas sa 125 ang highschool students, halos lahat sila ay close sa isa't isa. Kaya naman nung may magtransfer sa eskwelahan nilang 3rd year ay alam agad ng lahat at yun ay si Jamaica. May pagka-weirdo at napaka-iyakin pero sobrang bait at mapagbigay kaya naman laging binu-bully ng mga kaklase. Parang bullying is how you show affection to others ang drama nilang mga highschool students.


Kaya one boring Tuesday afternoon, napagtripan ng mga lalake ang bestfriend ni @saranghaexx na si Kaye. After lunch yun, it was 1:15 PM, clearly vacant dahil wala silang teacher. Hinila ng mga lalake si Kaye patungo sa girl's restroom at doon ikinulong. Nung time na yun, hindi nila alam na sumabog pala ang fluorescent light sa restroom ng mga girls at madilim na madilim doon na isa sa mga phobia ni Kaye. Kaya pagkapasok na pagkapasok ni Kaye doon ay agad itong nagsisisigaw at nagwala habang kinakalampag ang pintuan. Medyo malayo ang restroom sa mga classrooms kaya naman malaya silang nakakapaglaro doon nang hindi sila naririnig.


Ang tatlong minutong pagwawala ni Kaye ay biglang natigil kaya naman sa takot nila na kung ano na ang nangyari kay Kaye sa loob ay agad nila itong binuksan pero hindi na nila mabuksan ang pintuan.


Dahil sa pag-aalala kay Kaye ay naglakas loob na si @saranghaexx kasama ang iba pa nilang kaklase na humingi ng tulong sa mga teachers para buksan ang restroom. Natigil ang klase sa lahat ng year level nun dahil sa nangyari dahil lahat ng teachers ay sinusubukang buksan ang pintuan ng restroom na nakapagtatakang ayaw bumukas. Dahil wala na silang choice ay agad na pinalakol nalang ng isa sa mga teachers ang pintuan ng restroom at doon ay nakita nila sa loob si Kaye na nakahiga at walang malay. Kasama nito si Jamaica na wala ding malay na hindi nila alam noong nasa loob din pala ng restroom.


Agad na dinala ng mga teachers si Kaye at Jamaica sa clinic. Tinawagan na din ng iba pang teachers ang mga magulang nito para ipaalam ang nangyari. Unang nagising noon ay si Kaye. Agad na tinanong nila si Kaye kung ano ang nangyari sa loob ng restroom pero nangilabot sila sa sagot nito.


Ayon pa kay Kaye, kinakalampag lang niya nun ang pintuan ng may biglang humila sa kanya sa 3rd cubicle. Panay daw ang sigaw niya nun nang hilahin siya ng hindi niya nakikitang nilalang pero walang lumalabas na boses sa bibig niya. Panay lang daw ang pagwawala nun ni Kaye ng mapatingala siya sa taas. Doon sa malaking butas sa ibabaw ng cubicle 4 at 5. Nakita niya doon si Jamaica na umaakyat gamit ang hagdan kaya sinubukan niyang mas sumigaw pa para pigilan si Jamaica na parang wala sa sarili nung mga oras na yun pero dun nalang ang naaalala niya dahil nagdilim na ang lahat sa kanya.


Pagkatapos ng pagkukwentong iyon ni Kaye ay sunod na nagising si Jamaica kaya ito naman ang tinanong nila. At laking pagkagulat nila dahil nagkatugma ang sagot ni Kaye at ang sagot ni Jamaica.


Ayon pa kay Jamaica, nagkulong daw siya nun sa fourth cubicle at doon umiyak dahil sa sama ng loob dahil sa pangbubully sa kanya. Dahil daw sa pag-iyak niya ay hindi niya napansin na nakatulog siya. Napanaginipan daw niya na nakaharap siya sa isang salamin at kinaka-usap siya ng sarili niyang repleksyon.


"Halika! Maglaro tayo. Nakatira ako diyan sa malaking butas sa ibabaw." Iyan daw ang eksaktong linya na sinabi ng repleksyon niya sa kanya at sa di maipaliwanag na dahilan ay agad naman siyang pumayag. Agad daw siyang umakyat doon gamit ang hagdan na nakita lang din niya sa loob ng restroom. Nung makapasok na daw siya sa butas ay may nakita siya doong isang malaking kahon. May nakakasulasok na amoy daw ang nanggagaling sa kahon kaya binuksan niya ito dala ng kursyunidad at doon ay nakita niya ang katawan ng isang naaagnas na bata. Agad daw itong tumalon galing sa kahon at sinabi sa kanya na maglaro sila. Dahil sa takot ni Jamaica sa bata ay hindi siya pumayag na makipaglaro dito kaya nagalit daw ang bata at sinakal siya at doon na siya nawalan ng malay.


Pagkatapos ng insidenteng iyon ay kina-usap ng mga teachers at ng principal ang may-ari ng building na kung pwede ay I-check nila ang butas sa girl's restroom at pumayag naman ang may-ari ng building.


Nung araw ding yun ay napaaga ang uwian nila @saranghaexx at ang sabi pa ng mga teachers at principal na magtitext nalang sila kung kalian ulit magreresume ang klase.


Hindi na nalaman nila @saranghaexx ang nangyari sa ginawang pagchicheck ng mga guro sa butas ng ceiling na nasa restroom ng mga girls pero ilang araw ang nakalipas ay sumabog din ang balita na may nakita dawng kahon sa butas sa ceiling. Buto ng isang batang middle-schooler ang nakita sa loob ng kahon kaya naman agad na ipinabless ang restroom na iyon kasama na ang buong building. 2 weeks after din ay nagresume na ang klase at pagbalik nila sa restroom, natakpan na ang butas doon.



Araw ng paggawa- June 04, 2015.

Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KAKATAKUTAN part 2! [COMPLETED]Where stories live. Discover now