STORY #40 (True Story)

8.2K 128 8
                                    

This story is from @serenityL77.

Hindi siya ang naka-experience nito kundi ang Ate niya at ang teacher niya.

Bata part 1

Naikwento lang ito ng teacher nila sa kanila. Nagdidiscuss daw yung teacher nila nun nang may mapansin ito sa isang estudyante niya. Palagi daw kasi itong nakatingin sa pinto ng room. Nung una, binalewala daw ng teacher nila yung estudyante niya pero nung nagquiz na sila ay napansin ng teacher na nakatingin pa din ang estudyanteng yun sa pinto. At ang nakakapagtaka pa daw ay hindi naman daw ito yung tipo ng nakatingin na tulala. Malikot daw ang mga mata nito na may tinitignan talaga. Kaya nilapitan daw ito ng teacher nila at tinanong.

"Anong tinitignan mo sa labas?"

"Ah sorry po Ma'am, naaliw lang po ako sa bata na naglalaro sa labas."

Dun daw nangilabot ang teacher nila dahil wala naman dawng bata na naglalaro sa labas simula pa kanina sa kadahilanang class time nga at isa pa, nasa pinakadulo ang classroom nila at walang masyadong nagagawing bata dun.

Bata part 2

Itong kwentong 'to naman ay naikwento lang ng Ate ni @serenityL77 sa kanya. Nurse ang Ate ni @serenityL77 sa isang pampublikong hospital. Night shift nun ang Ate niya at dahil pagod na ito ay nagpahinga daw muna ito sandali sa pahingahan nilang mga nurse. Nung unti unti na daw na nilalamon ng antok ang Ate niya ay narinig daw nito na biglang lumangitngit yung pinto ng kwarto na pinaghihingaan nilang mga nurse kaya bigla dawng nagising ang Ate niya. Malakas kasi ang paglangitngit ng pinto at hindi pa din iyon tumitigil. Paback and forth, back and forth lang daw yung pinto. At dahil nga sa pagod ng Ate ni @serenityL77 ay hindi nalang niya iyon pinansin. Maya maya pa ay bigla dawng pumasok yung head nurse sa kwarto. Napansin daw ng Ate ni @serenityL77 na pagpasok ng head nurse nila ay may nginitian ito sa pinto pero di nalang din iyon pinansin ng Ate niya. Nag-usap lang daw ang Ate niya at yung head nurse pagkatapos ay lumabas na din ito at laking pagtataka daw ng Ate niya nung paglabas ng nurse ay may nginitian ulit ito sa may pinto. Binalewala nalang ulet yun ng Ate niya at nag-ayos na para bumalik sa trabaho. Kinabukasan daw ay nagkita yung Ate niya at nung head nurse kaya napagpasyahan ng Ate niya na itanong yung about sa nginingitian nito kagabi sa pinto pero nanlamig nalang ang Ate niya sa isinagot ng head nurse nila sa kanya.

"May bata dun na nilalaro yung pintuan. Hindi mo ba nakita?"

Araw ng paggawa- October 29, 2014

Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KAKATAKUTAN part 2! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon