STORY #90 (True Story)

3.9K 83 16
                                    

This story is from @saranghaexx.


(A.N- Hindi ko na sana isasali 'to dito at baka wala nang magbasa ng Nginig pero exciting din kasi siya kaya isasali ko nalang. :D)


Story 8


Isang gabi, mga past 11 na yun, pagkatapos basahin ni @saranghaexx ang storyang Doppelganger sa book 1 ng Nginig sa iPad niya ay nakadama siya ng kakaibang takot kaya naman tumigil muna siya sa pagbabasa at inaliw ang sarili sa pamamagitan ng pakikinig sa kanta ng Evanescence.


Nasa may chorus na siya ng kanta nun nang mapansin niyang biglang pahina ng pahina ang volume nito. Pagtingin niya sa screen ng iPad ay kitang kita niya pa na nababawasan ang volume which is hindi naman siya ang may gawa. Parang may kumokontrol doon na hindi niya nakikita.


Kinabukasan nga ay agad niyang dinala sa Apple store ang iPad at pinacheck kung may sira pero dun na siya nangilabot nang sinabi ng technician doon na okay naman daw ang iPad niya.



Araw ng paggawa- June 04, 2015.

Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KAKATAKUTAN part 2! [COMPLETED]Where stories live. Discover now