STORY #3 (True Story)

26.2K 292 27
                                    

This story is from @CrystalHeart0502.

8 years old pa lang si @CrystalHeart0502 ay nakakita na siya. Akala niya, tao lang pero nung tumanda siya, saka niya pa naintindihan ang lahat. 1st year highschool siya nun nung maranasan niya ang pinakanakakatakot na experience sa tanang buhay niya. Nasa school CR siya nun. Siya lang ang andun, alam niya kasi nakabukas lahat ng pintuan ng bawat cubicle. May salamin sa CR. Nasa right side tapos ang katabi daw nun is 3 cubicle. Sa 2nd cubicle siya pumasok. Nung nagsiCR na siya, bigla siyang nakarinig ng biglang pagsara ng pinto pero wala naman siyang narinig na pumasok sa CR. Ang ginawa niya, sinilip niya sa ilalim yung sa right side. Bale, yun yung pangatlong cubicle. Wala siyang nakita so, sinilip naman niya yung left which is yung 1st cubicle. May nakita siya doon. Sapatos na nakalutang. Akala niya preschool yung nagsiCR kasi nga nakalutang yung sapatos pero nung tinitigan niya pa yung sapatos, biglang may nahulog na buhok. Mas lalo siyang nacurious kaya mas sinilip niya pa yung mukha ng babae. Nakita niya yung ulo pero akala daw niya, nakatalikod. Saktong biglang humangin nun ng malakas at hinawi yung buhok ng babae. Nanlaki ang mga mata niya sa nakita niya. Sobrang putla nung babae tapos nakangiti. Wala siyang mata. Kitang kita daw niya yung butas ng mata nung babae. Kaya kahit na natatakot si @CrystalHeart0502 ay sinikap niya paring tumayo at umalis dun sa CR. Titingala na sana siya para di makita yung babae pero nagitla nalang siya dahil andun na sa taas yung babae. Nakangiti ito at kahit wala itong mata ay alam niyang nakatingin ito sa kanya. Nagtatatakbo palabas si @CrystalHeart0502 palabas pero bago siya makalayo ay narinig niya ang sinabi nito.

"May mamamatay!"

After 1 month nga ay may nahulog sa tapat ng school nila.

Araw ng paggawa- March 28, 2014

Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KAKATAKUTAN part 2! [COMPLETED]Where stories live. Discover now