STORY #97 (True Story)

3.5K 73 10
                                    

This story is from @VINCETABBY.


Nangyari ang kababalaghang ito kay @VINCETABBY last year (2014) before magstart ang klase.


Nagtuturo ng English ang Ate ni @VINCETABBY online at siya ang tagaset up ng laptop nito.


Isang gabi, 7:50 ng gabi. Habang naglalaro siya ng mga games sa laptop ng Ate niya sa may terrace ng kwarto nito ay bigla niyang narinig ang sigaw ng Ate niya galing sa loob ng kwarto nito.


"Vince, pakiset up na yung laptop ko. Magsisimula na ang klase ko in just a few minutes. Pakibilisan nalang."


"Sige Ate, ihahanda ko na." Sagot naman niya sabay lingon sa pintuan kung saan nagkokonekta ang terasa at kwarto ng Ate niya pero hindi niya nakita ang Ate niya doon. Pero inisip nalang niya nun na baka bumaba at kumain muna dahil kadarating lang din nito galing sa pagtututor.


Mabilis nga na na-I-set up ni @VINCETABBY ang laptop ng Ate niya kaya agad na siyang bumaba para sana tawagin ang Ate niya pero wala ang Ate niya sa baba. Agad na tinanong ni @VINCETABBY ang mga katulong nila nun kung saan nagpunta ang Ate niya pero kinilabutan nalang siya sa mga sagot na natanggap niya.


Hindi pa naman daw umuuwi ang Ate niya.


Dahil nga sa gustong makasigurado ni @VINCETABBY nun na talagang hindi pa umuuwi ang Ate niya ay hinintay niya ito. Mayamaya pa nga ay dumating na ito. Agad niya itong tinanong.


"Ate, kadarating mo lang?"


"Oo, bakit? Kita mo namang kadarating ko lang diba?" Sagot-tanong nito sa kanya na siyang nagpatindig sa mga balahibo niya.


Kung ganun, sino ang narinig niya kaninang sumigaw sa loob ng kwarto ng Ate niya?



Araw ng paggawa- June 09, 2015.

Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KAKATAKUTAN part 2! [COMPLETED]Where stories live. Discover now