STORY #7 (True Story)

16.9K 218 20
                                    

This story is from @FrozenSoul26.

Doppelganger

Nasa trabaho yung Mama at Papa niya kaya siya lang ang mag-isa sa bahay. Wala siyang ibang ginawa kundi magbasa ng english riddles. Nung tapos na siyang magbasa, tiningnan niya yung relo niya. 4:45 pm na. 5:00 pm ang dating ng Papa niya kaya napagpasyahan niyang buksan yung door. Pagkabukas niya sa door, andun na pala sa labas yung Papa niya. Nagtaka si @FrozenSoul26 kasi bakit ang aga aga ng Papa niya. Pero at the same time eh natuwa naman siya kasi may kasama na siya sa bahay. Pumasok yung Papa niya ng walang imik kaya tinanong niya ito kung galit ba ito sa kanya dahil hindi niya nabuksan agad ng pintuan pero hindi ito sumagot. Pumasok lang daw ito sa banyo kaya kinatok nalang ni @FrozenSoul26 yung pintuan ng banyo sabay sabi ng...

"SORRY DADDY!"

Mga 5 minutes daw ang nakakalipas, may bigla dawng may tumawag sa kanya sa cellphone. Pagtingin niya sa screen eh number at pangalan ng Papa niya yung nakarehistro kaya nanlaki yung mata niya pero kahit na nanginginig na siya sa takot eh sinagot niya pa rin yung phone.

"Nak, andito ako sa taas. Open mo yung door. Sabi ko naman sayo na buksan mo ng mas maaga yung pintuan para dirediretso na akong pumasok."

Kaya lumabas agad siya para pagbuksan yung Papa niya pero bago niya mabuksan yung Papa niya, napatingin siya sa banyo. Bukas yung banyo.

So, sino yung pumasok sa bahay nila? Sino yung kinausap ni @FrozenSoul26?

Araw ng paggawa- April 9, 2014

Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KAKATAKUTAN part 2! [COMPLETED]Where stories live. Discover now