STORY #94 (True Story)

3.9K 85 30
                                    

This story is from @kimhuevos_scarlet17.


Ang nakaranas ng kababalaghang ito ay si @kimhuevos_scarlet17.


Hapon. Pakagat na ang dilim.


Nasa kwarto lang nun si @kimhuevos_scarlet17 nang marinig niyang parang may naglalaro sa TV nila at gumagamit ng remote pero dahil ma-ingay naman sa labas dahil sa mga naglalarong bata ay hindi nalang niya iyon pinansin at baka iyon lang ang naririnig niya.


Mga ilang minuto ang lumipas ay may narinig na naman siya. Parang mga kutsara na ang pinaglalaruan. This time ay napahinto na siya sa ginagawa at nakiramdam. Nag-iisip din siya kung sino ang maglalaro ng mga gamit nila sa bahay gayong siya lang naman mag-isa nung mga oras na yun dahil parehong nasa trabaho ang mga magulang niya at nag-iisang anak lang siya.


Pero napatigil nalang siya sa pag-iisip nun nang magsimula nang magkalampagan ang mga kaldero nila. Palakas ng palakas. Sa takot ay agad siyang napatakbo palabas ng bahay nila na walang lingon likod na ginagawa.


Nagtaka pa ang mga kapitbahay nila nun dahil umiiyak siya habang tumatakbo palabas. Agad na tinawagan ng mga kapitbahay nila ang mga magulang niya at hindi naman nagtagal ay umuwi din agad ang mga ito. Agad siyang niyakap ng Mama niya at ang Papa niya naman ay tinanong siya. Agad naman siyang sumagot kaya agad din na pumasok ang Papa niya sa bahay nila only to find out na lahat ng gamit nila ay basag na. Ang iba ay natumba na para bang may nagwala doon.


Kinabukasan nga nun ay pinuntahan ng ispiritista ang bahay nila at doon nalaman ang dahilan. Magkatapat ang dalawang pintuan sa bahay nila at yun ang nagsilbing lagusan ng masasamang ispiritu.


(A.N- Ngayon ko lang narinig ang pamahiing ito about sa dalawang magkatapat na pintuan kaya sa mga may alam about sa pamahiin na ito, explain it to me para maintindihan ko. Salamat.)



Araw ng paggawa- June 09, 2015.

Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KAKATAKUTAN part 2! [COMPLETED]Where stories live. Discover now