STORY #63 (True Story)

6.1K 114 9
                                    

This story is from @bananaszxc.

Ang karanasang ito ay ishinare lang ni @bananaszxc. Hindi siya ang nakaranas nito kundi ang mga kaklase niya.

C.R

December iyon. Taong 2014. Alas singko ng hapon. Uwian na pero nagpa-iwan ang mga kaklase ni @bananaszxc dahil sila ang inatasang magdecorate ng christmas tree.

Ang akala nilang normal at masayang gabi ay naging isang katakot takot na gabi para sa kanila.

Unang nakaranas ng katatakutan nung gabing yun ay si Mae. Isa sa mga kaklase ni @bananaszxc at isa din sa mga naatasang magdecorate.

Habang abala sila sa pagdidecorate ay biglang nagpaalam saglit si Mae. Nagpaalam saglit ang babae dahil na-iihi daw ito kaya pupunta muna ito sa C.R.

At since nasa third floor ang classroom nila @bananaszxc at nasa 1st floor ang C.R ay kailangan munang bumaba ni Mae para makarating doon. Habang pababa siya sa isang hagdan ay natanaw niya ang C.R sa 2nd floor na out of order. Hindi lang out of order kundi hindi na talaga ito pwedeng gamitin kahit buksan man lang. Sa pagkakaalam niya at base na din sa sinabi ng mga teachers nila, kaya daw nakalock at hindi yun pwedeng gamitin dahil wala na daw itong tubig na nakapagpakunot naman ng noo niya dahil pwede namang ayusin ito. Hindi yung ilalock talaga. Pero marami din siyang narinig na mga kuro kuro na kaya daw inilock ang C.R dahil may nagpakamatay doon at nagmumulto.

Sa isiping yun ay biglang nagsitayuan ang mga balahibo ni Mae pero binalewala nalang niya iyon at nagpatuloy na sa pagbaba pero ewan niya ba, nung dumaan kasi siya sa C.R na out of order, biglang lumamig ang paligid niya at pakiramdam niya, nakaslowmo ang lahat sa kanya. Mabigat din ang pakiramdam niya na may parang nakasakay sa likod niya.

Totoo nga kayang may nagmumulto doon? Dahil para kay Mae, masasabi niyang totoo ang kuro kurong iyon.

Classroom

Nangyari ang katatakutang ito pagkatapos na magpaalam ni Mae para bumaba at umihi.

Habang masaya silang nagdidecorate sa kanilang christmas tree ay naisipan ng apat na natitirang babae sa loob ng classroom na magbreak muna at maglaro kaya naman nagbatuhan sila gamit ang mga bote ng C2 na siyang ginawa nilang pangdecoration. Pagkatapos ng mahigit limang minutong pagbabatuhan ay naisipan nilang iligpit ang nagkalat na bote at dalhin iyon malapit sa christmas tree pagkatapos ay nagsimula ulet silang magdecorate pero hindi nila inasahan ang mga sumunod na nangyari.

Biglang bumukas ng pabalya ang pintuan ng classroom nila pagkatapos ay may nagbato ng bote sa kanila.

Sino ang bumato ng bote sa kanila? Si Mae ba na nung mga oras na yun ay may nararamdaman ding kakaiba o ang mga hindi nila nakikita na naingayan dahil sa paglalaro nila? Ano sa tingin niyo?

Araw ng paggawa- February 14, 2015.

Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KAKATAKUTAN part 2! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon