STORY #61 (True Story)

7.5K 113 2
                                    

This story is from @pinkxai19.

Ghostly Encounter #1

Nangyari 'to noong bata pa siya. One time, bumisita siya sa office ng Mama niya. Habang naghihintay siya na matapos ang trabaho ng Mama niya ay naglalakad lakad siya palibot sa building para kahit papaano ay malibang siya habang naghihintay. Habang naglalakad nga siya ay nakasalubong niya ang isa sa mga katrabaho ng Mama niya.

"Ate, saan ka po pupunta?"

 

"Pupunta ako sa bodega. May iniutos kasi ang boss namin sa akin." Sagot ng katrabaho ng Mama niya sa kanya.

Ganun po ba? Pwede po ba akong sumama?" Tanong ni @pinkxai19 sa babae at pumayag naman ito kaya agad siyang kumapit sa ibaba ng suit na sout nito para di siya mawala.

Pagpasok nila sa bodega ay agad na sumalubong sa kanila ang makapal na alikabok at kadiliman sa silid. Agad na pinasadahan iyon ng tingin ni @pinkxai19. May maliit na hagdan sa loob ng bodega na makikita dahil sa ilaw sa labas na pumasok sa bodega. Patungo ata sa 2nd floor ng bodega ang maliit na hagdan dahil sa pagkakaalam niya, itong kinalalagyan ng bodega ang huling floor ng naturang building.

"Maalikabok at madilim dito sa loob. Baka pagalitan ka ng Mommy mo kaya diyan ka lang. Sandali lang ako."

Tumango si @pinkxai19 bilang pagsang-ayon dahil ayaw naman talaga niyang pumasok. Hindi dahil sa ayaw niya sa maalikabok at madilim kundi dahil iba ang nararamdaman niya sa lugar na yun.

Habang nasa loob ng bodega ang katrabaho ng kanyang Mama ay nasa harap naman siya ng pintuan. Nakatoun lang ang kanyang mga mata sa katrabaho ng kanyang Mama nang may biglang umagaw ng atensyon niya. May isang pares ng paa ang pumapanhik sa maliit na hagdan sa bodega. At hindi lang iyon dahil parang hindi ordinaryong mga paa ang nakita niya. napakabrown kasi nun na parang maputlang maputla na hindi niya maintindihan ang itsura.

Dahil sa takot ay agad na napatanong si @pinkxai19 sa katrabaho ng Mama niya.

"Ate, sino yung umakyat? May nakatira ba diyan sa taas?"

Kapansin pansin naman ang pagkabigla ng katrabaho ng kanyang Mama.

"Ha? Anong umakyat eh dalawa lang naman tayong nandito at isa pa imposible namang may umakyat o nakatira diyan kasi bukod sa walang ilaw ay wala din namang importanteng mga nakalagay diyan sa taas." Aligagang sagot sa kanya ng babae pagkatapos ay hinila na siya palayo sa bodega.

Ano kaya ang nakita niya? Namamalikmata lang ba siya o ano?

Ghostly Encounter #2

Nangyari ang kababalaghang 'to kay @pinkxai19 noong nasa 1st year highschool siya. Hapon yun. Alas tres ng hapon. Sabado. Nasa kwarto lang niya si @pinkxai19 noon dahil abala siya sa pag-aaral ng mga lessons niya dahil periodical test nila sa lunes. Habang abala siya sa pag-aaral ay biglang bumukas ang pinto niya. Sa pag-aakalang Mama niya yun ay dinedma nalang niya pero nung mapansin niyang hindi nagsasalita ang Mama niya ay nag-angat na siya ng tingin. Kapansin pansin ang anino na nakatayo lang sa labas ng pintuan niya. Babae ito base na din sa buhok nito at sa hubog ng katawan na parang sa matanda. At dahil hindi makapaniwala si @pinkxai19 sa nakita ay agad niyang kinusot ang mata at sa muli niyang pagdilat, ang tanging nakita nalang niya ay ang nakabukas na pintuan. Wala na ang anino doon.

Alas syete ng gabi. Katatapos lang nila @pinkxai19 na kumain kaya balik agad siya sa kwarto para mag-aral nang marinig niya na nagriring ang telepono nila sa labas at maya maya pa ay sinagot na iyon ng Mama niya. Maya maya pa ay nabigla nalang siya nung biglang humagulgol ang ina niya at nung tanungin nila ito ay napatulala nalang siya.

"Patay na si Nanay L. Kaninang mga bandang alas tres ng hapon daw."

 

Pagkatapos na makabawi ay agad na nagbalik sa isip ni @pinkxai19 ang nakitang anino kanina sa biglang bumukas na pintuan. Maaari kayang ang Nanay L nila yun? At yun ang way ng pamamaalam nito sa kanya? Sa tingin niyo?

Araw ng paggawa- February 08, 2015

Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KAKATAKUTAN part 2! [COMPLETED]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz