STORY #21 (True Story)

12.8K 159 16
                                    

This story is from @DrMikoIzumi.

Sapi

Maraming naririnig na tsismis si @DrMikoIzumi na haunted daw ang skwelahan nila dahil matanda na daw ito. Hindi siya naniwala hanggang sa may nangyari sa pinsan niya na siyang dahilan para maniwala siyang haunted nga ang school nila.

Wednesday. Lunch time nun. Si @DrMikoIzumi ang naunang lumabas sa room nila dahil naiihi na siya. Nung papunta na siya sa C.R, nakasalubong niya ang pinsan niyang babae.

"Ate, kailan nga pala tayo pupunta sa salon and spa ninyo?" Tanong niya dito pero imbis na sagutin siya ng pinsan niya ay nilingon lang siya nito at matalim na sinulyapan pagkatapos ay mabilis na naglakad ito papasok sa room nito at binalibag nito ang pintuan pasara.

Kahit na nawiwirduhan sa pinsan ay hindi nalang iyon pinansin ni @DrMikoIzumi dahil narin sa naiihi na siya.

Pagkatapos niyang magC.R ay lumabas na siya. Andun ang mga kaklase niya sa labas, nagkukwentuhan about KPOP nang biglang sumigaw ang kaklase nilang si Midori.

"MIKO, ANG PINSAN MO, SINASAPIAN!"

Sa narinig na iyon ay agad siyang napatakbo sa room ng pinsan niya pero hindi sila pinapasok doon. Pinapasok sila ng mga 4th year students sa kani kanilang room para hindi nila malaman ang nangyari pero alam niyang sinasapian nga ang pinsan niya.

"Totoo bang sinapian ang pinsan mo?" Tanong ng mga kaklase niya sa kanya kaya tumango lang siya.

"Malakas ba ang pananampalataya niya sa Diyos?" Tanong ng isa niya pang kaklase.

"Ewan. Hindi ko alam." Sagot nalang ni @DrMikoIzumi.

Pagkatapos ng tanghalian ay nakita ni @DrMikoIzumi ang pinsan na tumatawa na parang walang nangyari. May maya pa ay nilapitan siya ng isa sa mga teachers nila at sinabing...

"Wag mong sasabihin sa kanya kung ano ang nangyari. Magpanggap kang walang alam at please, kalimutan na natin yung nangyari kanina." Marahan lang na tumango si @DrMikoIzumi.

Pagsapit ng gabi, magkatabi sila ng pinsan niyang nakahiga nang magsalita ito.

"Miko, ang weird ng araw na 'to at nakakatakot."

"Ha? Bakit naman?" Kunwari ay tanong niya na parang walang alam.

"Kasi nung nagrefill ako ng water sa bottle ko, may nakita akong girl na di clear ang face and then wala na akong maalala. Pagkagising ko, yakap yakap ako ng teacher ko tapos yung ibang teachers at yung mga kaklase ko, nag-iiyakan at takot yung mga mukha nila."

"E-ewan. Hindi ko alam." Sagot nalang ni @DrMikoIzumi. Ngayon, alam na niyang sinapian nga talaga ang pinsan niya kanina.

Kinabukasan, normal na ang lahat. Not until the next Wednesday came.

Oras na ng next subject nila nun pero wala pa ang teacher nila kaya nag-uusap usap muna sila ng mga kaklase niya nang biglang may kumatok sa pintuan ng room nila. Helper yun ng skwelahan nila at hinahanap siya. Lumabas si @DrMikoIzumi para kausapin ang helper.

"May number ka ba ng Mama ng pinsan mo? Please, tawagan mo siya. Sinasapian na naman kasi yung pinsan mo."

Pumunta agad ng faculty room si @DrMikoIzumi at napaluha nalang siya nung marinig niya ang sigaw ng pinsan niya. Parang hirap na hirap ito.

Araw ng paggawa- May 30, 2014

Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KAKATAKUTAN part 2! [COMPLETED]Where stories live. Discover now