STORY #49 (True Story)

8.9K 138 9
                                    

This story is from @aishangXXV.

 

White Lady

Ang kababalaghang ito ay nangyari sa pinsan ni @aishangXXV.

Nakatira si @aishangXXV kasama ang pinsan niyang si Irene at ang Daddy Donato nito sa isang studio type na bahay parentahan. Sa labas ng bahay parentahan ay may puno ng Aratiles na makikita mula sa bintana ng kwarto kung saan sila natutulog na tatlo. Ang bintana ng kwarto ay natatabingan lang ng manipis na kurtina na may mga design na butas butas na kasinglaki ng sa hinlalaki. Sa loob naman ng kwarto ay sa papag lang sila natutulog.

Isang gabi, habang natutulog sila ay naalimpungatan ang pinsan ni @aishangXXV na si Irene dahil sa naririnig niyang boses ng babae na tumatawag sa pangalan ng Papa niya. Nakinig lang siya at sinusubukang kilalanin ang boses pero talagang hindi niya makilala ang boses kaya tumayo na siya at sumilip sa bintana pero nanlaki nalang ang mga mata niya dahil sa nakita.

Isang babae na nakasout ng mahabang mahabang gown ang nakita niya. Nakalutang sa harap ng puno ng Aratiles. Walang mukha ang babae pero alam niyang babae ito dahil sa boses na patuloy niyang naririnig at sa buhok at gown nito.

Natulala si Irene dahil sa nakita niya kaya hindi siya nakahuma. Hindi siya makagalaw. Nanginginig siya. Mga ilang minuto din siyang nakaganun nang mabaling sa kanya ang mga mata ng babae. Nakita niya ang mukha nito. Namumutla at ang mga mata, nanlilisik na nakatingin sa kanya. Ang kaninang pangalan ng Papa niya na bukambibig nito ay napalitan ng pangalan ni Irene pero hindi na sa palambing na pagtawag kundi sa galit na na tono kaya agad na umalis si Irene sa bintana at nagtalukbong ng kumot dahil sa takot.

Buong gabi na walang tulog si Irene nun. Hanggang sa mag-umaga ay hindi na siya dinalaw pa ng antok.

Aswang

Ang kababalaghang ito ay nangyari sa Mama ng bestfriend ni Irene na pinsan ni @aishangXXV.

Bestfriend ni Irene si Shovy. Nakatira sila sa isang two storey house na nasa gitna ng slight remoted area sa Libas. Mga puno lang naman ng saging ang nakapalibot sa bahay nila Shovy kaya slight remoted lang. Malaki ang tinitirhang two storey house nila Shovy. Sa baba ang sala at kusina at sa taas naman ang apat na kwarto na magkakahilera lang. Nasa right na parte ng bahay ang hagdan. Kasunod nito ang kwarto ng Mama ni Shovy. Kasama niya doon ang mga kapatid ni Shovy na matulog. Ang kasunod ay yung kwarto ni Shovy. Ang kasunod naman ay kwarto ng Ate ni Shovy at kwarto naman ng Tita at Tito ni Shovy na nasa Maynila pa at umuuwi lang tuwing bakasyon pagkatapos ay ang C.R na. Bawat kwarto ay may bintana na isang dipa ang lapad at 3/4 ang dipa ang taas. Yung bintanang yun ay tinutukuran lang ng kahoy para manatiling bukas.

Isang gabi, maalinsangang gabi, iniwan ni Shovy ang bintana niya na nakabukas at napagpasyahang matulog na. Maya maya naman ay nagising ang Mama ni Shovy dahil sa tawag ng kalikasan. Sa kanyang paglalakad patungo sa C.R ay chineck niya ang mga kwarto ng anak niya at nung kwarto na ni Shovy ang ichicheck niya ay may narinig siyang kakaibang ingay. Parang ungol kaya agad niyang binuksan ang kwarto ng anak pero nangunot ang noo niya sa nakita.

Nakatayo ang anak niya sa harap ng nakabukas na bintana. Pero ibang iba ang anak niyang si Shovy. Nakahubad ito at nanlilisik ang mga mata. Sabog ang buhok nito at marungis na parang hindi naliligo ng isang taon. Nung akmang lalapitan na niya ito ay bigla nalang itong tumalon sa nakabukas na bintana kaya napasigaw ang Mama ni Shovy at agad na dumungaw sa bintana pero wala siyang nakitang bakas na may tumalon doon kaya nagsisisigaw ang Mama ni Shovy at tinatawag ang pangalan ng anak niya. Mayamaya pa ay biglang pumasok si Shovy na habol ang hininga na halatang tumakbo nung marinig ang sigaw ng Mama niya.

"MA?! ANONG NANGYARI?!" Shovy

"BAKIT KA TUMALON SA BINTANA?! ALAM MO BANG DELIKADO ANG GINAWA MO?!" Mangiyak ngiyak na sigaw ng Mama ni Shovy kay Shovy. 

"Ma, anong sinasabi niyong tumalon ako sa bintana? Kagagaling ko lang po sa banyo Ma!" Sagot naman ni Shovy na ikinalaki ng mata ng Mama niya.

Kung ganun, sino ang nakita ng Mama ni Shovy na tumalon pa sa bintana at biglang nawala? Aswang o ano? Kayo na ang humusga.

Araw ng paggawa- November 23, 2014

Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KAKATAKUTAN part 2! [COMPLETED]Onde histórias criam vida. Descubra agora