STORY #74 (True Story)

6.9K 139 7
                                    

This story is from @rakhieme.

Duwende

Marami sa atin ang hindi naniniwala. Sabi pa ng iba ay 'to see is to believe' daw kasi kaya ganun. Pero paano kung hindi mo nga siya makita pero lagi mo naman siyang nararamdaman at lagi siyang nagpaparamdam sa'yo? Ito ang kwento ni @rakhieme.

Summer iyon nang mapagplanuhan nila ng mga kabatchmates niya na mag-outing sa isang sikat na swimming pool sa lugar nila. Agad naman na nag-agree ang mga kabatchmate niya sa plano at agad na nakapagset ng date.

Excited na excited silang lahat noon pati na si @rakhieme pero ang inakalang masayang outing ay naging katakot takot.

Hapon na noon. Nag-aagaw na ang liwanag at dilim nang mapagpasyahan nilang maligo na dahil maliban sa hindi sila magkakasun burn ay hindi din masyadong kita ang kasexyhan nilang mga kababaihan sa suot nilang swim wear.

Ang pagsuswimming nila ay sinasabayan nila ng picture taking sa iba't ibang bahagi ng pool. Pagkatapos nga ng halos tatlong oras na pagkababad sa tubig ay napagpasyahan na nilang umahon at magbihis na dahil sa nagsisimula nang lumamig ang gabi. Pagkatapos na magbihis ay naghapunan na sila at pagkatapos ay napagpasyahan ng umuwi at bago sila naghiwa hiwalay ay maririnig sa mga kababaihan ang linyang...

"Oy! Gwen! Wag mong kalimutang i-upload ang mga pictures sa FB ha?"

 

"Oy! Itag mo ako Gwen ha?"

 

"Gwen, itag mo sakin yung mga magagandang kuha ko ha? Wag na yung mga pangit!" Sabay magtatawanan silang lahat.

Makalipas ang ilang araw ay sinadya ni @rakhieme na puntahan si Gwen sa bahay nito dahil hindi pa ito nakakapag-upload ng pictures. Magkalapit lang kasi ang bahay nila at isa pa ay wala din naman siyang ginagawa.

"Oy! Babae! Bakit di mo pa ina-upload?" Agad na salubong niya dito pagkatapos siyang pagbuksan ng gate pero takot at pagkabahala na makikita sa mukha nito ang agad din na isinagot nito sa kanya.

"Bakit Gwen? May problema ba?"

 

"May ipapakita ako sa'yo." Ang sagot lang ng babae at agad na siyang hinila nito sa loob ng bahay hanggang sa kwarto nito. Agad na binuksan nito ang laptop at ipinakita sa kanya ang mga pictures na agad na nakapagpadilat sa mga mata niya.

"Ano yan?!" Ang gulat at takot niyang tanong.

"Hindi ko alam pero parang...duwende."

Saglit na natahimik silang dalawa. Parehong sinusuri ng tingin ang bawat litrato.

"Wag nalang kaya nating i-upload?" Mayamaya pa ay tanong ni Gwen sa kanya.

Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KAKATAKUTAN part 2! [COMPLETED]Where stories live. Discover now