STORY #68 (True Story)

7.2K 139 46
                                    

Isa ba kayo sa mga taong naniniwala sa mga agimat? Kung oo, sigurado akong magugustuhan niyo ang chapter na ito.

Una, isa ka ba sa mga taong may balak na magnakaw? O kaya naman ay isa ka ba sa mga taong gustong sumubok na magnakaw pero ayaw na masuplong? Subukan ang agimat na ito. Nakakatakot at delikado pero EFFECTIVE!

-Mag-abang sa sementeryo ng mga BATANG ililibing. Mga edad 0 hanggang 2 years old.

 

-Pag nakakita ka na ng batang nilibing ay icalculate mo kung kailan siya magiging buto. Kailangan marunong ka dito dahil kung hindi, ang butong kukunin mo sa bata ay mawawala dahil bata pa lang siya at malambot pa ang buto niya kaya baka ito ay maging abo.

 

-Habang hinihintay mong mabuto ang bata ay mag-imbestiga ka. Alamin mo ang pangalan ng bata pati na ang mga gusto niya.

-Kung natansya mo na buto na ang bata ay kunin ang PATELLA ng bata. Ang PATELLA ay ang malambot na buto na nagkakabit sa buto natin sa paa at hita.

 

-Dalhin sa bahay ang PATELLA at dasalan. Tawagin ang pangalan ng bata at i-alay sa altar ang lahat ng gusto niya.

 

-Pagsapit ng ikasampung gabi mo ng pagdadasal ay saka mo malalaman kung pumayag ba ang bata o hindi. Dahil kung pumapayag siya ay gagalaw ang PATELLA sa ikasampung gabi mo ng pagdadasal at kung hindi naman ay hindi siya gagalaw.

At pag naging successful ang ginawa mo ay isa ka nang SILENT MAGNANAKAW! Kahit na magtatatalon at magtatatakbo ka pa sa loob ng bahay ng ninakawan mo ay hindi ka nila maririnig ni kaluskos mo. Bakit? Pansin niyo pag naglakad ang bata ng nakapaa? Walang tunog ang mga yapak niya, hindi ba? :)

Pangalawa, gusto niyo bang swertehen sa buhay? Simple lang pero isang delikadong bagay ang susu-ungin mo.

-Magpatulong sa mga albularyo o manggagamot o kahit sa mga may third eye na maghanap ng kapre.

 

-Pag nakakita na kayo ng kapre ay kaibiganin mo ito. Kahit na hindi mo siya nakikita ay kaibiganin mo pa din. Alayan ng mga pagkain kagaya ng prutas, gulay, o mga karne. Pwede mo din siyang alayan ng malaking tabako na gawa mo.

 

-Pagnawala ang mga ini-aalay mo ay ibig sabihin ay tinatanggap ka na niya bilang kaibigan at magsisimula na siyang magpakita ng mga senyales sayo na totoo siya kagaya ng amoy ng tabako o makakapal na usok na mula sa taas ng puno o kung papalarin ka na para sa akin ay kamalasan ay magpapakita siya sayo ng buong buo. :D

-Kung sa tingin mo ay lumalalim na ang pagkakaibigan niyo ay doon mo na hingin sa kanya ang bagay na magsisilbing tulay ng pagiging maswerte mo sa buhay. At ito ay ang kanyang tabako. Take note, ginagamit niyang tabako.

Pag binigyan ka niya ng kapiraso ng tabako niya ay suswertehen ka daw sa buhay dahil may kaibigan si Lolo na naghihikaos sa buhay noon pero napakayaman na ngayon. Pero siguraduhin mo daw na hindi mo gagamitin sa masama ang ibinigay sayo ng kapre kung hindi, mawawala ang pampaswerteng dala nito. Maging mapagbigay ka din daw sa kapwa. :)

Pangatlo, gusto mo bang makarating sa ibang lugar ng walang bayad o libre? Ito ang gawin mo.

-Humanap ng SIGBIN. Kung hindi ka makahanap ay magpatulong ka sa mga manggagamot o albularyo.

 

-Pag nakahanap ka na ay gawin mo itong pet. In short, paamuhin mo ang mabangis na sigbin.

 

-Pag napaamo mo na ay pwede mo na siyang utusan na dalhin ka sa ibang lugar.

Sabi pa ni Lolo ay totoo daw ito. Let me tell you a story na galing din sa Lolo ko. Sa probinsiya nila noon ay may mag-asawang malapit na malapit sa kanila. Wala itong ibang kaibigan sa kanilang probinsiya kundi sila lang dalawa ni Lola dahil sa isa ding balita na kumakalat sa probinsiya nila, na nag-aalaga ng sigbin ang mag-asawa. Noong una ay hindi naniwala si Lolo at Lola sa kadahilanang baka naiinggit lang ang mga tao sa mag-asawa dahil ito lang ang tanging may marangyang buhay sa kanilang probinsiya noon. Pero may isang pangyayari na talagang nasabi ni Lolo sa sarili na totoo pala ang bali balita sa probinsiya nila. May alaga ngang sigbin ang mag-asawa.

Malalim ang gabi noon nang sumakit ang tiyan ni Lola dahil gusto nang lumabas ng kanilang pinaka-unang sanggol sa sinapupunan niya. At dahil sa malalim na ang gabi ay mag-isang inakay ni Lolo si Lola papunta sa may sakayan pero hindi pa nangangalahati si Lolo sa daan patungong sakayan ay biglang bumuhos ang malakas na ulan kaya agad silang sumilong ni Lola sa may kayabungang puno ng santol. Pero sa bigla ni Lolo ay bigla nalang may sumutsot sa kanila at paglingon niya, ang mag-asawang malapit na malapit sa kanila ang andoon. At hindi lang yun, may kasama itong pusa na parang aso na hindi maintindihan ni Lolo ang itsura.

“Pare, dito na kayo sumakay ni Mare.” Anang babae.

“Sumakay saan Mare?” Naguguluhan namang tanong ni Lolo.

“Dito Pare, sa alaga ko.” Sagot naman ng babae sabay himas sa nilalang na hindi niya maintindihan ang itsura.

Kahit daw na nag-aalinlangan ay nagpati-anod na din si Lolo nang alalayan siya ng mag-asawa para i-upo sa maliit na nilalang.

“Dalhin mo sila sa hospital sa bayan.” Ang narinig pa daw niyang sabi ng mag-asawa pagkatapos ay sa isang kurap ay nasa isang madilim na lugar na sila at paglingon ni Lolo, nasa harap na nila ang hospital.

Alam kong ang iba sa inyo ay hindi naniniwala sa kwento. Maging ako man ay nagdadalawang isip din na maniwala sa kwento ni Lolo dahil bukod sa matandang matanda na siya ay hindi na din uso sa panahon natin ngayon ang mga ganyang kwento. Pero nasa sa inyo na yun kung maniniwala kayo. :)

(Nasa MULTIMEDIA ang picture ng SIGBIN.)

Araw ng paggawa- February 14, 2015.

Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KAKATAKUTAN part 2! [COMPLETED]Where stories live. Discover now