STORY #73 (True Story)

6K 112 13
                                    

This story is from @Kuys_Emorej.

Amoy ng Kabaong

Nangyari ang kababalaghang ito noong walong taong gulang palang si @Kuys_Emorej.

Kasundong kasundo niya noon ang asawa ng Ate niya na tinatawag niyang Kuya Noel. Ito kasi ang gumagawa ng mga laruan niya at napakabait din ng lalake kaya magaan na magaan ang loob niya dito. Kaya isang araw ay nalungkot siya sa balita, lilipat na kasi ng bahay ang Ate niya at ang Kuya Noel. Pero kahit na nalulungkot ay inisip nalang niya na para din iyon sa kapakanan ng Ate at Kuya Noel niya para hindi na ito magbayad ng mahal na renta sa bahay na inuupahan nito malapit sa kanila.

Ilang linggo nga ang nakalipas ay nakasanayan na din ni @Kuys_Emorej na wala ang Kuya Noel niya. May mga kaibigan na kasi siya na nakatira sa labasan na sinasadya pa siyang puntahan sa bahay nila kaya kahit papaano ay naging masaya na din siya kahit na wala ang tinuturing niyang bestfriend na si Kuya Noel.

Isang araw, pauwi siya sa bahay nila nang makita niya ang Papa na may ginagawa sa loob ng kanilang bahay kaya agad siyang napatakbo palapit dito para magmano.

"Mano po Papa."

"Kaawaan ka ng Diyos." Nakangiting sagot ng Papa niya na agad na ginulo ang buhok niya pero agad din itong napatigil sa ginagawa at nawala ang ngiti nito sa mukha dahil sa sunod niyang sinabi.

"Papa, bakit parang amoy kabaong ata ang bahay natin?"

"Imahinasyon lang iyan ng ilong mo!" Natatawang sagot nalang ng Papa niya. At maya maya pa ay lumabas na ito sa bahay nila dahil may naghahanap daw dito. Kaya naman umakyat nalang din si @Kuys_Emorej sa kwarto nila at nagpalit ng damit pagkatapos ay lumabas ulit para makipaglaro sa mga kaibigang nag-aabang sa kanya sa labas pero agad siyang tinawag ng Papa niya at nagulantang nalang siya sa sumunod na mga sinabi nito.

"Patay na ang Kuya Noel mo. Nagpakamatay siya."

Pakiramdam niya noong mga oras na yun ay gumuho ang mundo niya. Pilit mang sinasabi ng isip niya na hindi tanggapin ang sinabi ng ama ay wala na siyang magawa. Kilala niya ang Papa niya. Hindi nito kayang gawing biro ang mga bagay na tungkol sa pagkamatay.

Makalipas ang ilang araw ay napagpasyahan ni @Kuys_Emorej na pumunta na sa lamay ng Kuya Noel niya. Kahit papaano kasi ay natanggap na rin niya ang nangyari sa tulong na din ng Mama at Papa niya.

Kaya pagdating niya sa bahay ng Ate niya ay agad siyang pumasok at niyakap ng kabaong ng Kuya Noel niya pero agad din siyang napatigil nang maamoy ang pamilyar na amoy.

Amoy ng kabaong. Ang naamoy niya sa loob ng kanilang bahay noong isang araw bago nila mabalitaan na nagpatiwakal at namatay ang Kuya Noel niya.

Kuya Noel

Ang kwentong ito ay karugtong ng kwento ni @Kuys_Emorej tungkol sa Kuya Noel niya.

Makalipas ang ilang araw pagkatapos ilibing ang Kuya Noel ni @Kuys_Emorej ay balik ulit sa normal ang mga buhay nila.

Pero isang gabi ay may nakita si @Kuys_Emorej. Ang Kuya Noel niya.

Papunta siya noon sa isang birthday party nang mapadaan siya sa kulungan ng baboy na pinasadya ng Mama niya. Nakita niyang may nakatayong lalake doon. At sa pag-aakalang ang Papa niya iyon na kakatapos lang pakainin ang mga alagang baboy ay tinawag niya iyon.

"Pa! Pa, sunod nalang ho kayo doon sa bahay nila Aling Kuring ha? Sabi niya kasi kanina na doon na tayo maghapunan sa kanila."

Pero ni hindi man lang ito nag-abalang sumagot ni lumingon kaya tinawag niya ulit ito pero nagulantang nalang siya sa nakita dahil noong lumingon ito ay ang namumutlang mukha ni Kuya Noel ang nakita niya. May nagbabadyang luha sa mga mata nito at bakas pa sa leeg ang lubid na ginamit nito sa pagpapatiwakal.

Kinabukasan nga ay agad nilang pinadasalan si Kuya Noel dahil hinuha nila ay hindi ito matahimik.

R.I.P Kuya Noel.

Araw ng paggawa- March 14, 2015.

Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KAKATAKUTAN part 2! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon