STORY #96 (True Story)

4.3K 92 6
                                    

This story is from @Ms_AlienKace04.


Grade 7 siya nun nang mangyari sa kanya ang kababalaghang 'to.


Nagpapractice sila ng sayaw nun para sa exam nila sa Values kaya naman ginabi sila nun sa eskwelahan. Mga bandang alas syete na din sila natapos nun kaya naglinis agad sila ng room. Tinatamad na nun si @Ms_AlienKace04 na maglinis kaya naman nag-arrange nalang siya ng mga upuan at nagsara ng mga bintana pero nung magsasara sa siya ng bintana, may napansin siya sa puno ng langka na nasa tapat lang ng bintana ng classroom nila. Para itong kurting tao na kulay puti na nakalutang sa harap ng puno. Pero na-isip din niya na baka guni guni lang niya iyon kaya naman binalewala nalang niya.


Mayamaya pa ay lumabas na ang mga kasama ni @Ms_AlienKace04 at siya nalang ang na-iwan sa loob. Tinawag naman siya nun ng isa sa mga kasama niya para palabasin na kaya agad niyang kinuha ang bag niya at ang mga libro na nasa locker niya pa pero nung palapit na siya sa locker ay may naramdaman siyang kakaibang presensiya. Presensiya ng mga nilalang na di nakikita. Alam niya ang presensiyang yun dahil simula bata palang siya ay nararamdaman na niya iyon. Pero dahil sa nagmamadali na siya nun dahil natatakot na siya ay di nalang siya nagpatinag sa presensiyang iyon at dali dali nang hinablot ang mga libro sa locker at nagtatatakbong lumabas ng classroom. Nasa kanya ang susi nun kaya siya ang maglalock ng classroom pero nung hihilahin niya na sana ang pinto ay may napansin siyang parang umiilaw sa loob ng classroom kaya sinundan niya ito ng tingin. Doon ay nakita niya ang isang matandang nasa edad 40 na nakatayo dun mismo sa harap ng locker niya. Nakatingin ito sa kanya kaya sa sobrang takot ni @Ms_AlienKace04 ay naibagsak niya pasara ang pinto at nagmamadaling ilock yun. Agad naman na naintindihan iyon ng mga kasama niya dahil alam na nitong may kakayahan siyang makaramdam kaya nag-unahan na din ang mga ito sa pagtakbo pababa.


Kinabukasan nga nun ay bukambibig sa room nila ang nangyari sa kanila nung nakaraang gabi.


Akala ni @Ms_AlienKace04 ay hindi na magpapakita ang matanda nun sa kanya pero hindi pala. Nagpakita ulet ito.


Last subject nila yun sa hapon. History ang lesson kaya naman napakaboring. Inaaliw aliw lang ni @Ms_AlienKace04 ang sarili niya nun nang aksidenteng mapasulyap siya sa puno ng langka at dahil dun ay napapitlag siya sa kina-uupuan niya dahil sa gulat. Andoon na naman ang matandang nakita niya kagabi. Nakalutang ito sa harap ng puno ng langka.


Weeks have passed na hindi na nagpapakita ang matanda kay @Ms_AlienKace04 kaya akala niya, wala na. Oo't hindi na ito nagpapakita sa kanya pero nagpapakita naman ito sa mga kaibigan niya.


Unang nakakita sa matanda ay si Joana. 5:30 yun ng hapon. Nagpapractice sila nun ng sayaw nang magpaalam ito para umihi. Katabi lang naman ng room nila ang rest room kaya hindi na din ito natakot pa. Ipinagpatuloy nila @Ms_AlienKace04 nun ang practice kahit na wala si Joana dahil sayang ang oras pero mayamaya lang ay nagulat silang lahat dahil sa biglang bumukas ng pabalya ang pintuan ng classroom nila at iniluwa nun ang putlang putla na si Joana. Umiiyak ito kaya agad nila itong dinaluhan. Tinatanong nila kung anong nangyari dito pero nanindig nalang ang mga balahibo nila sa sagot nito.


Umiihi daw siya nun sa isa sa mga cubicle habang nakatingin siya nun sa baba kung saan makikita mo kung may pumasok ba ng C.R o wala. Patapos na daw siya nun sa pag-ihi nang may narinig siyang parang gumagalaw sa itaas ng C.R kaya agad naman siyang napatingala at doon ay nakita niya ang kamay ng isang matandang lalake. Alam niyang sa matandang lalake iyon dahil kulubot na ang may kalakihan nitong kamay. Madungis daw ang kamay na iyon na may nadikit pang mga lupa. Akala niya nun ay pinagtitripan lang siya ng janitor nila kaya agad niyang tinignan ang ibabang bahagi ng cubicle para sipain sana ang paa nito pero ganun nalang ang panghihilakbot ni Joana nang mapagtantong walang paa doon pero andoon pa din sa ibabaw ng pintuan ang madungis na kamay at patuloy na gumagalaw kaya naman kahit na nanginginig na sa takot ay naglakas loob na itinulak ni Joana ang pintuan ng cubicle at agad na nagtatatakbo palabas ng C.R.


Pangalawa namang nakakita ay si Patrick. Isa sa mga makukulet na kaklase nila @Ms_AlienKace04.


Wala silang teacher nun at dahil si @Ms_AlienKace04 ang presidente nun sa classroom nila ay responsibilidad niyang papasukin at panatilihing tahimik ang mga kaklase niya sa classroom pero may isa siyang kaklase na ayaw sumunod sa mga utos niya at yun ay si Patrick. Pinapapasok niya ito pero nagtutuya tuya lang ito sa pintuan nila habang ginagalit siya kaya naman panay ang saway niya dito pero nabigla nalang sila nang biglang tumilapon si Patrick na para bang may nagtulak doon na malakas na pwersa kaya naman agad iyong dinaluhan ni @Ms_AlienKace04. Pagtayo nito ay nanginginig na ito na takot na takot. Tinanong niya ito pero napanganga nalang siya dahil sa sagot nito.


"May nakita akong matanda sa tabi mo kanina. Galit na galit siyang nakatingin sa'kin at sunod na napagtanto ko ay tumilapon na ako."


Hanggang ngayon nga ay nagpaparamdam at nagpapakita pa din kay @Ms_AlienKace04 ang matanda. Hindi niya man ito kilala pero alam niya, may kailangan ito sa kanya at yun ang susunod niyang aalamin.



Araw ng paggawa- June 09, 2015.


Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KAKATAKUTAN part 2! [COMPLETED]Where stories live. Discover now