STORY #80 (True Story)

4.6K 82 5
                                    

This story is from @BaekYeol_isreal.


Noong May 01, 2015 lang ito nangyari kay @BaekYeol_isreal.


Mag-isa lang siya sa bahay nila nun dahil nakipagbirthday ang Mama at kapatid niya. Nanunood lang siya nun ng TV nang makaramdam siya ng antok kaya ini-off na niya ang TV at tinanggal ito sa saksakan. Malalim na din kasi ang gabi nun. 9 PM na.


Pagkapasok na pagkapasok niya sa kwarto ay agad siyang napahiga sa kama at agad din siyang nakatulog. Pero mayamaya lang ay bigla siyang nagising dahil sa may parang mga nagsasalita sa may sala nila. Agad siyang napatingin sa wall clock na nakasabit sa kwarto niya. Kaka10 PM palang. Kaya agad siyang lumabas ng kwarto dahil akala niya ang Mama at kapatid niya yun na na-uwi na pero ganun nalang ang pagtayo ng balahibo niya nang mapagtanto na walang tao sa sala. Wala ang Mama at kapatid niya.


At ang mas nakapagpatayo pa ng balahibo niya ay ang nakita niya sa sala.


Bukas ang TV nila. Ang kanina palang naririnig niyang nag-uusap ay ang mga reporter sa Bandila.


At maya maya pa ay nakatanggap siya ng text galing sa Mama niya. Pauwi palang daw ang mga ito.


Kung ganun, sino ang nag-on ng TV na pinatay niya bago siya pumasok ng kwarto niya?



Araw ng paggawa- May 08, 2015.

Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KAKATAKUTAN part 2! [COMPLETED]Where stories live. Discover now