STORY #32 (True Story)

9.9K 140 7
                                    

(A.N- Bago niyo basahin ang story, basahin niyo muna 'to. XD Talagang natawa ako sa way ng pagkukwento ni @NarakuNaAkaHana_001. Para bang takot na takot siya na ikwento sakin 'to pero dinadaan nalang niya iyon sa biro. Ang tawag niya pa sa multo na nagpapakita sa kanya ay 'babaeng lutang'. HAHAHAHA! XD Okay! BASA! XD)

This story is from @NarakuNaAkaHana_001.

Babaeng Lutang sa fishpond

Hindi si @NarakuNaAkaHana_001 yung tipo ng tao na may third eye kaya nagtataka siya kung bakit minsan ay pinapakita siya ng mga hindi nakikita ng pangkaraniwang tao.

Isa sa mga hindi niya makakalimutang engkwentro ay ang engkwentro niya sa multong pinangalanan niyang 'Babaeng Lutang'.

Kagat na ang dilim nung hapong yun. Nasa tapat siya ng bahay nila, nakatambay habang nagyoyosi. Habang nakatambay siya dun ay tinititigan niya ang maliit nilang fish pond na nasa tapat din ng bahay nila. Habang nakatitig siya dun, maya maya pa ay may napansin siyang puting bagay na unti unting lumulutang. Akala niya nung una, reflect lang ng ilaw na nanggagaling sa bahay nila pero hindi. Ang kaninang puting unti unting lumulutang ay naging isang pigura na ng isang babae. Hindi nalang iyon pinansin ni @NarakuNaAkaHana_001 pero ang kanina ay nakalutang lang na babae ay unti unti nang lumalapit sa kanya kaya dali dali siyang pumasok ng bahay sa takot.

Akala ni @NarakuNaAkaHana_001 ay yun na ang huling engkwentro niya sa 'Babaeng Lutang' pero may mas malala pa pala.

Gabi ulit yun. Habang pauwi na sila @NarakuNaAkaHana_001 kasama ng Ate niya at ng asawa nito galing sa isang gig. Nauuna siya sa dalawa dahil gustong gusto na niyang makapagpahinga dahil sa medyo lasing na siya. Nang malapit na siya sa may fishpond nila ay may bigla siyang narinig na gumalaw sa tubig. Akala niya ay mga isda lang kaya dinedma nalang niya ito pero unti unting nagsitayuan ang mga balahibo niya sa katawan at unti unting naging malamig ang paligid kaya nilingon niya ang Ate niya at ang asawa nito para sana balikan ang mga ito pero iba ang tumambad sa paningin niya. Nasa likod niya ang 'Babaeng Lutang', nakataas ang mga braso nito na handang handa na siyang sakalin kaya sa takot niya ay nawala lahat ng espirito ng alak sa kanya at napatakbo siya ng mabilis sa loob ng bahay nila at nagkulong siya sa kwarto niya.

Aaminin ni @NarakuNaAkaHana_001 na medyo lasing siya nun pero alam niyang totoo ang nakita niya.

Ang tanong, sino kaya ang babaeng yun? At ano ang kailangan niya kay @NarakuNaAkaHana_001?

Araw ng paggawa- August 14, 2014

Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KAKATAKUTAN part 2! [COMPLETED]Where stories live. Discover now