STORY #51 (True Story)

6.7K 107 1
                                    

This story is from @BEAZAMbie.

Radyo

Last September 13, 2013, reunion nila @BEAZAMbie. Konting salo-salo lang pagkatapos ay nagsipasukan na silang magpipinsan sa kwarto ni @BEAZAMbie para na rin makapagbonding sila na sila lang. Kung ano ano ang pinagplanuhan nilang gawin pero at the end, nagmovie marathon nalang sila kasi gabi na din at hindi na oras para maglaro at magtawanan ng malakas. So, habang nagmomovie marathon sila, biglang umandar yung radyo sa kwarto ni @BEAZAMbie kaya tinanong niya mga pinsan niya kung sinong nag-on nun.

"Imposibleng isa sa atin ang nag-on. Walang bumaba sa kama at isa pa, ang layo ng distansya natin sa radyo oh!" Sagot ng isa sa mga nakakatanda nilang pinsan.

Ramdam na ni @BEAZAMbie na takot na ang iba niyang pinsan kaya napagpasyahan nalang niyang i-off ang radyo pero nangatog na lang siya sa takot dahil sa nakita.

Hindi nakasaksak ang plug ng radyo.

Pero bakit nag-on gayung hindi naman de baterya ang radyo niya.

Sa isiping iyon ay napatakbo nalang si @BEAZAMbie palabas ng kwarto niya. Agad ding nagsisunuran ang mga pinsan niya na nakita din ang hindi nakasaksak pero naka-on na radyo.

Araw ng paggawa- December 16, 2014

Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KAKATAKUTAN part 2! [COMPLETED]Onde histórias criam vida. Descubra agora