STORY #42 (True Story)

8.1K 125 2
                                    

This story is from @RoseAngeliqueTumalip.

Hagdanan

Hapon daw yun. Nanonood sila @RoseAngeliqueTumalip ng TV sa kwarto nila. Kasama niya ang Ate niya na naka-upo sa kama sa dulo. Si @RoseAngeliqueTumalip naman ay nakaupo sa lapag na katabi ng hagdanan. 

Nasa kalagitnaan na sila ng panonood nang aksidenteng mapasulyap si @RoseAngeliqueTumalip sa hagdanan. May nakita siya doon. Parang umaangat na ulo. Puro puti ang buhok. Natakot daw si @RoseAngeliqueTumalip nun kaya agad siyang napatayo at napatakbo palapit sa Ate niya.

"Nakita mo rin yun?" Mayamaya pa ay tanong ng Ate niya sa kanya.

"Oo Ate." Sagot niya.

Medyo nawala daw ang takot ni @RoseAngeliqueTumalip dahil baka ang Papa lang nila yun sa kadahilanang nakita din iyon ng Ate niya. Mahilig daw kasi itong mantrip kaya ang ginawa nila, tinext ng Ate niya ang Papa nila. Hinintay nila na tumunog ang cellphone nito para mahuli nila ito na nakatago sa hagdan pero wala silang narinig hanggang sa may matanggap silang message. Reply yun ng Papa nila at ang sabi...

"Hindi pa 'ko umuuwi. Mag oover time ako kaya alagaan mo kapatid mo. Okay?"

Footsteps

3 am daw nun ng madaling araw. Naglalakad sila pa-uwi ng Ate niya galing sa bahay ng pinsan nila. Bago sila makarating sa bahay nila ay may dinadaanan muna silang isang daan na kinatatakutan nila. Maliban kasi sa lubak lubak ang daan ay madilim pa ito. Nung nasa kalagitnaan na daw sila ng daan na yun ay may narinig silang mga footsteps.

"Oy! May tao! Sabay nalang tayo sa kanya? Natatakot na kasi ako." Biglang sabi ng Ate niya kaya naman agad siyang napalingon sa Ate niya na noon ay tumigil na sa paglalakad.

At dahil narinig din ni @RoseAngeliqueTumalip ang footsteps na sinasabi ng Ate niya ay tumigil na din siya sa paglalakad at hinintay ang may-ari ng footsteps na naririnig pa din nila.

Pero nung makalipas ang ilang minuto ay kinilabutan na sila. Dahil wala silang taong nakikita sa di kalayuan pero ang tunog ng footsteps ay patuloy pa din nilang naririnig kaya naman napatakbo na sila.

Araw ng paggawa- November 6, 2014

Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KAKATAKUTAN part 2! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon