STORY #75 (True Story)

5.4K 112 7
                                    

This story is from @pinksleevewrites.

Nangyari ang kababalaghang ito sa bestfriend ni @pinksleevewrites na itago nalang natin sa pangalang Chelay.

Ayaw Nila Sa'yo

Maraming may ayaw kay Chelay. Hindi dahil sa may hindi kanais nais itong ugali dahil sa katunayan, napakabait nito. Ang dahilan kaya madaming may ayaw kay Chelay dahil sa mukha nito. Katarayan kasi ang mababanaag mo sa mukha ng dalaga dala na din ng pagkahilig nito sa make up lalong lalo na sa makapal na red lipstick na lageng suot. Medyo curly din ang buhok nito na lalong nagpataray sa mukha nito.

Akala ni Chelay, ang mga tao lang ang may ayaw sa kanya dahil sa mataray niyang mukha, may ibang nilalang din palang naiirita sa kanya.

Umaga yun. Sabado. Nasa oval ng school si Chelay at nagjajogging. Katulad ng nakasanayan, nakamake up pa din ang dalaga habang nakatali ang curly nitong buhok. Sa madaling salita, mataray pa din itong tignan.

Mga bandang 9 ng umaga ay napagpasyahan ni Chelay na umuwi na sa bahay nila. Pero pagdating sa bahay nila ay agad na nakadama ng panghihina si Chelay kaya basta basta nalang siyang natumba sa kama at nakatulog ng hindi nagpapalit ng damit.

Ilang araw na nagkasakit si Chelay. Nanghihina ang dalaga at grabe ang taas ng lagnat kaya napagpasyahan ng pamilya na ipacheck up ito pero sa laking pagtataka ay walang findings ang doctor. Sinabi lang nito na baka nabigla lang ang katawan ni Chelay sa pagjajogging noong isang araw at kailangan lang nito ng pahinga.

Kaya naman sinunod ng pamilya ang sinabi ng doctor at pinagpahinga ang dalaga. Pero makalipas ang apat na araw na pagpapahinga ay hindi pa din bumababa ang lagnat ni Chelay. Mas lalo din itong nanghina to the point na hindi na ito nakakatayo at nakakapasok sa school.

Kaya naman nabuo sa isip ng Mama ni Chelay na dalhin sa albularyo ang anak at doon nalaman ang dahilan ng pagkakasakit ni Chelay.

Hindi nagustuhan ng mga engkantong nakatira sa isa sa mga puno na nasa oval ng school ang mukha ni Chelay. Naiirita ang mga engkanto sa kanya.

Kaya naman inorasyunan agad si Chelay pagkatapos ay binigyan siya ng isang bote ng langis na may mga halong dahon at bato. Yun ang ipampapahid niya sa katawan bago siya lumabas ng bahay nila para hindi siya mapansin ng mga engkantong ayaw na makita siya.

Hanggang ngayon nga ay patuloy pa din ang paggamit niya sa langis at sa awa ng Diyos ay hindi na siya nagkasakit pa.

Araw ng paggawa- March 21, 2014.

Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KAKATAKUTAN part 2! [COMPLETED]Where stories live. Discover now