STORY #50 (True Story)

7.9K 130 13
                                    

This story is from @aishangXXV.

Ang nakaranas ng kababalaghang ito ay ang asawa ni @aishangXXV.

KRUS

Nangyari ito sa asawa ni @aishangXXV na itago nalang natin sa pangalang Raff no'ng 2nd year highschool pa lang ito. December nun. Hindi niya matandaan kung anong taon. Basta December yun nangyari dahil sa mismong unang araw ng simbang gabi niya yun naranasan.

December 15 pa lang ng December ay excited na si Raff at ang iba niyang katropa dahil bukod sa kompleto silang lahat na magsisimba ay balak din nilang kompletuhin ang siyam na simbang gabi dahil sabi ng mga matatanda, kapag nakompleto mo ang siyam na gabi, kahit na anong hilingin mo sa Diyos ay tutuparin niya.

Pero hindi yan ang kwento. Ito ang kwento.

December 16. Simula ng simbang gabi. Nagising si Raff dahil sa yugyog ng bestfriend niyang si Jansen na doon pa natulog sa kanila para sabayan siyang magsimbang gabi.

"Oy Raff! Gising na! Alas singko na! Baka iniwan na tayo ng tropa!"

At dahil inaantok pa talaga si Raff ay papikit pikit niyang tinignan ang alarm clock na nasa gilid ng kama para makasiguradong alas singko na nga at hindi siya pinagtitripan ng bestfriend niya pero ganun na lang ang paglundag niya sa kama dahil totoo ngang alas singko na. Agad nga siyang nagbihis at lumabas na sa bahay. At dahil walking distance lang ang simbahan ay nilakad nalang ito ni Raff at Jansen dahil wala pang gaanong traysikel na dumadaan.

Habang naglalakad at nagkukwentuhan sila ay may nakasalubong silang matanda. Naka-all black ito. Pati ang sout nitong belo ay itim din at hindi lang iyon. May dala dala ding mga lantang sampaguita ang matanda na karaniwang inilalako sa simbahan at isang may kalakihang krus.

'Weird.' Sa isip ni Raff pero dahil hindi naman nakakagambala sa kanila ang matanda ay hindi nalang nila iyon pinansin ni Jansen.

Nung nakalagpas na sila sa matanda ay may naramdaman si Raff. Parang may nakatitig sa kanila ni Jansen which is nararamdaman naman talaga natin sa tuwing may nakatitig sa atin kahit na hindi natin nakikita kung meron ba talaga. Kaya agad na nilingon ni Raff ang matanda pero nahila nalang niya patakbo si Jansen dahil sa nakita niya.

Walang mga paa ang matanda at nakalutang lang ito sa hangin.

Takbo lang sila ng takbo hanggang sa makaabot na sila sa simbahan pero laking pagtataka nila dahil pagdating nila doon ay sarado pa ang simbahan.

"Hala! Bakit sarado pa?! Diba alas singko na nung umalis tayo sa bahay niyo?!" Habol ang hiningang tanong ni Jansen kay Raff.

"Oo nga eh!" Sagot ni Raff na agad na inilihis ang laylayan ng sout niyang jacket para tignan ang sout na relo pero napanganga nalang siya dahil sa oras na nakadisplay sa relo niya.

Alas dos pa lang ng madaling araw.

Kahit na takot na takot na sila dahil baka nasundan sila ng nakita nilang matanda ay walang ibang nagawa si Raff at Jansen kundi ang maghintay nalang na magbukas ang simbahan. Ang paghihintay na yun ay sinasabayan nalang nila ng dasal para ilayo sila sa matandang nakasalubong nila kanina.

At hindi nga nagtagal ay nagbukas na din ang simbahan at nakapagsimba na sila pero dahil sa takot ay hindi na nagsimba pa si Raff sa ikalawang gabi ng simbang gabing yun. Simula nga nung mangyari yun ay hindi na niya binalak pa na magsimbang gabi lalo na sa lugar kung saan siya lumaki at unang makakita ng hindi niya dapat makita.

Hanggang ngayon ay palaisipan pa din kay Raff ang nakitang matanda at ang oras. Tungkol sa oras ay may eksplenasyon na siya. Na baka advanced ang kanyang alarm clock kaya ganun nalang sila kaaga noon pero ang matandang walang paa at nakalutang na naka-all black at may dalang lantang sampaguita at may kalakihang krus? Wala pa din. Ang tanong niya, sino kaya iyon? At anong klase ng nilalang yun?

Araw ng paggawa- November 23, 2014

Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KAKATAKUTAN part 2! [COMPLETED]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt