STORY #92 (True Story)

4.1K 73 5
                                    

This story is from @fujiwaraHanazona.



CBH Building


Marami nang nagsasabi na may kababalaghang nangyayari daw sa CBH Building, ang building na pag-aari ng pamilya nila @fujiwaraHanazona. Kapag may umu-upa kasi sa building katulad ng mga grocery store o kainan ay hindi nagkiclick ang negosyo. Hindi lang yun dahil may mga nagpaparamdam din daw sa 2nd floor ng CBH Building. Katulad ng dalawa sa mga staffs ng isang mini market. Isang bakla at isang babae.


Ang kwento ng bakla ay may kinuha daw siya sa 2nd floor ng CBH. Habang hinahanap daw niya ang kukunin niya sana ay bigla nalang bumukas mag-isa ang monitor ng isang computer doon at bahagya pang gumalaw ang mouse nito na parang may gumagamit.


Ang kwento naman ng babaeng staff ay ito. Umakyat siya sa 2nd floor ng CBH para kumuha ng isang box na may lamang mga papeles. Hinahanap daw niya yung box nang may biglang bumulong sa kanya.


"Tignan mo sa likod mo." Yan daw ang eksaktong kataga na narinig niya. Napakalamig daw ng hininga nito at maya maya nga nun ay may bigla nalang kumalabog sa likod niya at pagtingin niya, yung box na hinahanap niya iyon.


Hindi nga nagtagal doon ang mini market na iyon. Makalipas ang halos dalawang buwan lang na pag-uupa nila dun ay napagpasyahan na nilang lumisan.


Huling araw na nun ng pag-e-empake ng mga staffs ng mini market na iyon pero may nagparamdam pa din sa kanila. Sa gabi sila nun nag-empake at sari saring mga boses at tunog lang daw ang naririnig nila sa 2nd floor ng CBH. Yung isa pa nga nilang kasama na staff din doon ay may nakita pang multo na lumulutang sa elevator.


Hindi lang ang mga umu-upa sa building na iyon ang may naranasang kababalaghan doon dahil ang mismong apo ng may-ari na si @fujiwaraHanazona ay hindi din nakaligtas sa mga nakatira doon sa building.


Brown out nun dahil bagyo at dahil malapit lang naman ang bahay nila sa mismong kinatitirikan ng building ay doon muna siya tumambay sa labas ng CBH Building. Naabutan kasi siya nun ng ulan habang bumibili siya ng makakain sa isang lugawan. Wala nang umu-upa sa CBH Building nun.


So, habang naka-upo siya sa isang bench na nasa labas ng CBH ay may naririnig siyang nagsasalita sa loob at dahil may butas ang pintuan ng nakasaradong building ay sumilip siya doon. Iginagala lang niya ang mga mata niya sa loob ng madilim at maalikabok na building nang bigla nalang bumukas ang ilaw doon and to think na brown out nung mga time na yun sa lugar nila ay talagang kinilabutan siya kaya kahit umuulan nun ng malakas ay napatakbo nalang siya pa-uwi sa bahay nila.


Marami pa daw ang mga kababalaghang nangyayari sa CBH Building kaya nga hanggang ngayon ay bakante pa din ang naturang building.



Araw ng paggawa- June 09, 2015.

Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KAKATAKUTAN part 2! [COMPLETED]Where stories live. Discover now