STORY #66 (True Story)

6.2K 122 5
                                    

This story is from Dennis Jay Asistin Paras. Reader din siya dito sa Watttpad pero hindi ko alam ang user name niya dito.

So, here's the story.

Astral Projection

One time, natulog si Dennis sa kwarto niya. Zoned out siya nung gabing yun pero dahil sa pagod ay nakatulog siya agad. Mayamaya pa, bigla nalang siyang nagising. At ang ikinagulat niya pa ay nakatayo siya sa kusina nila. Madilim na madilim ang kusina nila pero nakikita pa daw ni Dennis ang paligid kahit na gray ang paningin niya. Mayamaya lang ay naglakad na siya pabalik sa kwarto niya sa pag-aakalang nag-i-sleep walk siya pero napanganga nalang siya dahil pagkapasok niya sa kwarto niya ay nakita niya ang sarili niyang nakahiga at tulog na tulog. At dahil sa pagkagulat niya ay hindi na niya nakita ang nilalakaran niya kaya agad siyang napatid at sa gulat niya ay para lang siyang usok na tumagos sa mosquito net at nagbalik sa katawan niya.

Dahil sa kakaibang nangyari sa kanya ay napagpasyahan niyang magresearch at doon niya nalaman na nagASTRAL PROJECTION na pala siya.

Barangay Hall

Noong nasa Puerto Princesa sa Palawan nag-aaral si Dennis, lage siyang nakikitulog sa barangay hall na itago nalang natin sa pangalang Barangay hall ng SM. May mga gabi daw na may naririnig siyang babaeng umiiyak sa likod ng barangay hall na yun. Pati mga barangay tanod ay hindi din nakaligtas sa pagpaparamdam ng babae. May mga kuro kuro na haunted daw ang barangay dahil doon nangyari ang execution sa WW2. Doon din daw itinapon ang ibang bangkay ng mga biktima na pinatay sa kasong Palawan Massacre noon sa Puerto Princesa.

Balat Kayo

Sa probinsiya nila Dennis ito nangyari. Sa Zamboanga Sibugay. Noong oras na yun ay malapit nang manganak ang asawa ng kumpare ng Daddy ni Dennis. Habng umi-ire daw ang babae ay may napansin silang gumagalaw sa silong ng bahay ng mag-asawa kaya patago iyong sinilip ng Daddy ni Dennis pero nanlaki nalang ang mata niya dahil sa nakita. Isa iyong pagkalaki laking pusa. Isang hindi ordinaryong puso. Kaya sa takot ng Daddy ni Dennis ay agad niya iyong sinaksak sa tiyan pero nakatakas pa din daw ang malaking pusa.

Kinabukasan, napabalita nalang sa probinsiya nila na dinala daw sa hospital ang isang matanda na napapabalita din sa probinsiya nila na ito ay aswang. 50-50 daw dahil sa malaking sugat sa tiyan.

Araw ng paggawa- February 14, 2015.

Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KAKATAKUTAN part 2! [COMPLETED]Where stories live. Discover now