STORY #34 (True Story)

10K 145 0
                                    

Karugtong po ito ng STORY #30.

This story is from @enaira112885.

Pagkatapos na mangyari yung STORY #30 na ibinahagi sa atin ni @enaira112885 ay marami pa dawng kasunod yun. Minsan daw ay bigla nalang umiiyak si AJ (yan yung pangalan ng batang may mga nakikitang kakaiba) habang naglalaro sa kwarto nito. Tinanong daw nila kung bakit bigla nalang itong umiyak at ang sagot nito ay may tawag daw ng tawag ng pangalan niya. Hindi daw niya ito pinansin kaya panay na naman daw ang pangangalabit nito. Akala daw ni AJ na ang Tita Bebs niya iyon pero napaiyak nalang siya nang mapagtanto na wala siyang kasama sa kwarto.

Hindi din naman lingid sa pamilya ni AJ at kay @enaira112885 ang nangyayaring kakaiba sa apartment na inuupahan ng pamilya ni AJ dahil simula nung sabihin ni AJ na may nakikita siyang babaeng nakasout ng pulang bestida ay lage na silang nakakarinig ng humagahulgol na babae. Kaya isang araw ay napagdesisyunan nilang lumipat nalang ng ibang apartment para sa ikatatahimik ni AJ.

Akala nila nung una ay mawawala na yung lageng gumagambala kay AJ pero hindi pala. Parang sumama pa ito sa kanila nung lumipat sila ng bahay.

Isang araw daw, naghahanap ng kalaro si AJ at dahil wala itong kapatid at mga pinsan dahil nag-iisang apo lang ito ay napagpasyahan nilang papuntahin yung youngest Tita ni AJ na si Mimi. Ilang araw din itong naging kalaro ni AJ hanggang sa nagdecide na ito na hindi na pumunta sa bagong nilipatang apartment nila AJ. Tinanong nila si Mimi at may sinabi itong ikinataas ng balahibo nila. Kapag kasi dinadalaw ni Mimi si AJ ay kinabukasan na ito umuuwi kaya sa apartment ito natutulog. May lage dawng tumatawag sa kanya. Babae na parang galit na galit sa kanya. At ang mas ikinatakot pa niya ay ramdam na ramdam daw niya na nasa tabi lang niya ito dahil ramdam niya yung malamig na hininga ng babae sa tainga niya.

Ilang araw din na hindi bumisita si Mimi dahil sa nangyari pero dahil hindi nito matiis si AJ ay bumalik ito. Pumasyal ulit si Mimi sa apartment nila AJ at sa pagpasyal niya, may pangyayari na naman na nakapaghatid ng takot kay Mimi para hindi na naman pumasyal ng ilang araw. Nung pumasyal kasi ulit si Mimi ay may bumato sa kanya ng holen mula sa 2nd floor. Apat na beses siyang binato ng holen. Agad naman na chineck nila @enaira112885 ang 2nd floor pero walang ibang tao dun dahil nasa sala sila lahat.

Simula nun ay hindi na nila iniiwan sila Mimi at AJ habang naglalaro. Natatakot pa rin si Mimi sa bagong apartment kaya hindi siya nagpapaabot ng gabi doon.

Araw ng paggawa- September 4, 2014

Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KAKATAKUTAN part 2! [COMPLETED]Where stories live. Discover now