STORY #4 (True Story)

23.9K 278 89
                                    

This story is from @PeaceAndMustache.

1st experience

Busy na nagkukwentuhan sina @PeaceAndMustache nun. Pero agaw pansin yung dalawa nilang kaklase na malapit sa bintana. Kanina pa kasi may tinuturo ang mga ito. At dahil nacurious sila @PeaceAndMustache ay nilapitan nila ang dalawa. Tinanong nila kung saan at tinuro nga ng dalawa yung condo na nasa harap ng school nila. Una, di makita nila @PeaceAndMustache pero after 30 minutes eh nakita narin nila. Sa di maipaliwanag na dahilan ay biglang nakaramdam ng iregular heartbeat si @PeaceAndMustache nung makita niya yung lalake. Nakaangat ang dalawang kamay nito sa eri pero yung isang kamay ng lalake ay putol. Nung next subject na nila ay pinakita nila iyon sa teacher nila pero ayaw nitong maniwala. After an hour nga ay tapos na ang klase nila. Bumalik sina @PeaceAngMustache kasama ang mga kaklase nila dun sa bintana. Andun parin yung lalake at dahil maingay sila ay biglang tumingin yung lalake. Wala itong mukha. Itim ang mga mata nito. Natakot sila kaya nagsi-alisan sila dun sa room. Kinabukasan, wala na yung lalake dun sa condo pero nung lunch ay tinignan ulet nila @PeaceAndMustache yung condo. May bata silang nakita dun. Gumagalaw ang ulo nito. Napakabilis na paggalaw. At dahil ang ingay ulit namin ay biglang sumara yung bintana ng malakas kaya nagsigawan kami dahil sa takot.

2nd experience

Yung kaibigan ni @PeaceAndMustache na itago nalang natin sa initial na 'F' ay napakahilig magselfie. At dahil ang hilig nitong magselfie ay pinagkatuwaan ito ni 'N' na kaibigan rin ni @PeaceAndMustache. Pasekreto niya itong kinunan ng litrato habang nagsiselfie. Nung tinignan na nila yung picture ay may napansin silang babaeng walang mukha na nasali sa litrato. Katabi ito ni F. Parang si N yung babaeng nasa litrato kasi magkaparehong magkapareho ang hair style nito pero imposible. Si N ang kumuha ng litrato kaya bakit siya masasali dun sa litrato?

(NASA MULTIMEDIA HO ANG PICTURE NA SINASABI NI @PeaceAndMustache.)

Araw ng paggawa- March 28, 2014

Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KAKATAKUTAN part 2! [COMPLETED]Where stories live. Discover now