STORY #13 (True Story)

18.9K 211 87
                                    

This story is from @GwenMadylinePadilla.

Math Camp

Part 1

September 21, 2013. Sa isang Math Camp. Tandang tanda pa ni @GwenMadylinePadilla yun dahil dun nabuo ang barkada nila.

Nasa gym silang lahat nun dahil may activities. Nung break time nila, isa sa mga kateam ni @GwenMadylinePadilla na itago nalang natin sa pangalang Joy ang lumapit sa kanila.

"Oh Joy? Bakit mukhang takot na takot ka?" Tanong ng kaibigan ni @GwenMadylinePadilla na si Lester.

"May ipapakita ako sa inyo. Tignan niyo to!" Si Joy na agad na ipinakita kina @GwenMadylinePadilla ang cellphone niya. Nakita nila @GwenMadylinePadilla ang isang picture. Nagselfie si Joy sa may dulong part ng gym kung saan kita yung labas. May kung anong napasama sa picture niya na nakapwesto sa likod niya. Isang anino na may mapupulang mata. Muntik na daw na maibagsak nila @GwenMadylinePadilla ang cellphone dahil sa sobrang takot sa nakita.

NOTE: Walang copy ng picture na nakunan ni Joy si @GwenMadylinePadilla.

Part 2

Nangyari parin to during Math Camp nila.

Alas tres yun ng madaling araw. Oras na para matulog nun. Sila @GwenMadylinePadilla ay doon sa pinakaitaas na bleachers natulog kaya kita nila yung ibang part ng school. Ang plano sana nila nun ay magghost hunting kaso bantay sarado yung mga teachers sa kanila kaya naisipan nila na magkwentuhan nalang ng mga nakakatakot. Sa kalagitnaan ng pagkukwentuhan nila, naisipan ni @GwenMadylinePadilla na kumuha ng litrato sa labas ng gym. At dahil nga bawal silang lumabas ay dun nalang siya kumuha ng kumuha ng litrato sa isang malaking glass na kita yung ibang part ng school nila. Sa pagkuha niya ng litrato ay naisipan niyang kunan rin ng lirato yung entrance ng auditorium nila. Nung pipictureran na sana ni @GwenMadylinePadilla yung entrance eh nagulat siya dahil may nakatayo dun at nakatingin sa kanya kaya tahimik nalang siyang umupo dahil ayaw niyang takutin yung mga kaibigan niya.

Nagscan na ng pictures si @GwenMadylinePadilla nun. Dinidelete niya yung mga walang kwenta. Habang nagsascan nga siya ay natigilan siya dahil dun sa picture kung san kinunan niya yung school supplies station nila. May napansin siyang parang madre nung sinauna na nakatayo. Akala niya pag kumurap siya, mawawala yung nasa picture pero hindi. Naisipan niyang ipakita yun sa mga kaibigan niya. Muntik ng maibato ng mga kaibigan niya yung cellphone niya dahil nakita rin nila yung parang sinaunang madre.

(Nasa MULTIMEDIA po yung tinutukoy kong picture na nakunan ni @GwenMadylinePadilla.)


Kung napapansin niyo, may nakatayo sa gilid ng sky blue na parang gate. May puti itong sout sa ulo na parang sa madre at itim ang sout nitong bistida. Pansin niyo din ba ang mapuputi niyang mga mata?

Araw ng paggawa- May 5, 2014

Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KAKATAKUTAN part 2! [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora