STORY #91 (True Story)

5.2K 94 2
                                    

This story is from @EyEsDii.



Story 1


Nangyari ang kababalaghang ito kay @EyEsDii at sa mga pinsan niya.


10 years old lang siya nun nung mangyari ito.


May okasyon nun sa bahay ng Lola niya kaya naman lahat ng pinsan niya ay nandoon. Pagkatapos kumain ng hapunan ay wala na silang magawa. Nag-iinuman nalang kasi ang mga magulang nila kaya naman napagpasyahan nila nung maglaro sa kanto.


Hiniram ni @EyEsDii yung bike ng pinsan niya at naglaro sila ng zombie zombiehan. Kunwari daw, yung pinsan niya yung mga zombie at siya ang nakikipaglaban sa zombie.


Mayamaya pa ay masaya na sila nung naglalaro. Hinahabol siya ng mga pinsan niya at siya naman, panay lang ang pagbibisiklita para di mahabol.


Sa kakahabol ng mga pinsan niya at kakabisiklita nga niya ay napunta sila sa may bukohan na medyo malayo na sa bahay nila. Madilim na nun. Mga 9 ng gabi pero hindi alintana ni @EyEsDii ang takot dahil na din sa marami sila nung naglalaro.


Laro lang sila ng laro nun nang may mapansin si @EyEsDii na gumagalaw sa isang buko na may kalapitan sa kanya. Akala niya, isa lang yun sa mga pinsan niya na nagtatago at humahanap ng tyempo para mahuli siya pero hindi. Isa iyong tao na ang ulo ay kabayo. Tikbalang. Kitang kita niya pa kung paano ito tumalon talon at magtago sa kabilang puno ng buko.


Sa takot nga ay agad siyang napasigaw.


"BALIK! MAY TIKBALANG!"


Agad naman na kumaripas ng takbo ang mga pinsan niya.


Kinabukasan nga nun ay kinuwentuhan siya ng mga pinsan niya tungkol sa gumagala di umanong tikbalang doon sa bukohan.



Story 2


Madaling araw yun. Kasama ni @EyEsDii ang kaibigan niyang si Balu, palayaw nito. Naglalakad sila nun patungo sa bahay ng isa pa nilang kaibigan na si Dino, palayaw din nito. Susunduin nila ito para magsimba. Pagkadating nila nun sa bahay ni Dino ay naliligo pa ito kaya naman doon muna sila tumambay sa tapat ng bakanteng lote na may mga tanim na puno ng saging. Katabi lang kasi ng bakanteng lote na iyon ang bahay nila Dino.


Habang naghihintay nga sila doon ay may napansin si @EyEsDii. Parang may naka-upo doon sa poste ng ilaw na nasa loob ng bakanteng lote. Nung una, akala ni @EyEsDii ay pusa lang iyon dahil kulay puti ito pero nung tinignan niya pa ng mabuti ay dun na nagsitayuan ang balahibo niya. Parang tyanak na duwende na hindi niya maintindihan ang itsura nun. Sobrang puti ng balat nito tapos pahaba ang tenga na parang sa duwende.


Pero mayamaya pa ay mas natakot siya nung dahan dahan itong lumingon sa kanila. Kitang kita niya yung ngipin nito na sobrang tulis at pulang pula ang mga mata.

Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KAKATAKUTAN part 2! [COMPLETED]Where stories live. Discover now