STORY #99 (True Story)

4.3K 85 13
                                    

This story is from @MoonRider_.



Isa ang bahay nila @MoonRider_ sa mga bahay na may dalawang pinto na nakatapat sa isa't isa. At ang nagkatapat nga na pintuan ay ang pintuan nila sa banyo at ang pintuan nila sa kwarto kaya naman maraming nangyayaring kababalaghan sa bahay nila.


Una nun ay nung bagong lipat sila sa bahay. Hindi siya mapakali nun dahil na din siguro sa namamahay siya kaya naisipan niyang sa lapag muna ng kwarto humiga. Yung kwartong hinihigaan niya ay yung kwarto na nakatapat ang pintuan sa pintuan ng banyo. At dahil maalinsangan ang gabi nun ay napagpasyahan niyang buksan ang pintuan ng kwarto dahilan para makita niya ang babaeng nakatayo sa harap ng pintuan ng banyo nila. Nung una, akala niya namamalikmata lang siya pero nung kinurap kurap niya ang mata niya ay andun pa din ang babae. Masamang nakatingin sa kanya. Dahil sa takot niya nun ay malakas niyang na-ibagsak pasara ang pintuan ng kwarto niya.


Pangalawang nakaranas ng kababalaghan sa bahay nila ay ang Tito niyang sa pagkakaalam nila ay may third eye. Nag-iinuman daw ang Tito niya at ang Papa niya nun nung may nakita din itong babaeng nakasout ng itim na bistida. Nakapikit daw ang babae nung una at nung dumilat na ay kitang kita ng Tito niya ang mapupulang mata nito. Mga ilang araw simula nang makita yun ng Tito niya ay nagsuka ito ng dugo at nagkasakit. Ganun daw ang Tito niya kapag hindi nakakayanan nito ang nakikita.


Pangatlo ay yung isa namang Tito niya. Sa tuwing naghuhugas daw ito ng pinggan o nagluluto sa kusina which is katabi lang ng banyo ay may palagi dawng sumisitsit dito. Minsan naman ay bigla nalang manlalamig ang Tito niya na para bang pinaliguan ito ng isang baldeng yelo. Sa banyo naman minsan daw na naliligo ang Tito niya sa banyo ay bigla dawng mag-aamoy morgue ang banyo. Yung amoy na napakalansang dugo na may halong amoy ng formalin. Kaya ang ginagawa nalang daw ng Tito niya ay kinakausap nalang nito ang mga nakatira sa bahay na hindi nila nakikita. Mawawala naman daw after nitong kausapin.


Pang-apat na nakaranas ay yung pinsan naman niya na 5 years old at ang Tita niya na Mama ng pinsan niya. Napadalaw nun sa bahay ang Tita niya at dahil sa pagkamasipag nito ay na-isipan nitong maglinis sa bakuran nila sa likod. Nagsisiga na daw sa likod bahay ang mag-ina nang bigla nalang magsalita ang pinsan niya.


"Mama, sino yun?" Tanong daw nito sabay turo sa ibabaw ng puno.


"Ha? Saan?" Tanong naman daw ng Tita niya sabay tingala sa itinuturo ng anak.


"Ayun oh! Sa may puno! Yung bata, nakasilip." Sagot naman daw ng pinsan niya. Dahil nga sa takot ng Tita niya ay agad nitong binuhat ang pinsan niya at itinakbo sa loob ng bahay. Hindi lang yun dahil nung minsang dumalaw ulit ang mag-ina sa bahay nila ay bigla nalang iiyak ang pinsan niya at sasabihing may gusto dawng makipaglaro na napakapangit na bata sa kanya. Pangit daw dahil sabog ang mukha nito at maraming dugo.


Panglima ay nung minsan utusan ni @MoonRider_ ang barkada niya na tawagan siya para magising siya at makapanood ng palabas sa TV na gustong gusto niya. Unang tawag palang nun ng barkada niya ay nagising na siya at dahil sa na-iihi na siya nun ay hindi na siya nag-abala pang sagutin ang tawag at dumeritso na sa C.R pero nagtaka nalang siya dahil nung paglabas niya, nagtext ang barkada niya.


'Sasagutin tas di naman magsasalita. Sayang load!' Yan daw ang text ng barkada niya kaya naman nagreply din siya na hindi naman niya sinagot ang tawag dahil nagC.R siya pagkagising niya. Ayaw namang maniwala ng barkada niya kaya ang ginawa niya, nagscreenshot siya sa cellphone niya at isinend ito sa fb ng barkada niya para makita nito ang missed call na nasa call log niya pero nagulat nalang siya dahil nagscreen shot din ang barkada niya at sinend din ito sa kanya sa fb at doon ay kitang kita niya na sinagot nga ang tawag ng barkada niya. 10 seconds pa nga ang tagal ng tawag bago ito ibaba. Imposible naman na ang mga kasama niya sa bahay ang sumagot nun dahil wala siyang kasama nung mga oras na yun. Kaya nga inutusan niya nun ang barkada niyang gisingin siya dahil wala siyang kasama nun sa bahay na maaaring gumising sa kanya. Hindi din niya sinet ang cp niya na automatic na sumagot ng tawag kaya napaka-imposible talaga. Dahil doon ay nabuo sa isip niya na baka ang mga nakatira sa bahay nila na hindi niya nakikita ang sumagot sa tawag ng barkada niya.


Dahil nga sa di mabilang na kababalaghang naranasan nila sa bahay ay napagdesisyunan nalang nilang ipasara ang pintuan ng kwarto at ilipat yun sa lugar na hindi tatapat sa pintuan ng banyo.



Araw ng paggawa- June 10, 2015.

Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KAKATAKUTAN part 2! [COMPLETED]Where stories live. Discover now