STORY #67 (True Story)

5.6K 99 2
                                    

This story is from @Blue_Doors.

Kakaibang Lalake

Brown out sa lugar nila @Blue_Doors nun kaya lumabas siya habang dala dala ang notebook at lapis niya at doon tumambay sa porch ng bahay nila. At dahil maliwanag pa naman sa labas ng bahay nila ay naisipan niyang idrawing ang paborito niyang si Natsu ng Fairy Tail.

Mayamaya pa ay may bigla siyang narinig na traysikel. At dahil may salamin sa porch nila na kita ang gate nila ay doon nalang siya tumingin at hindi na nag-abalang lumingon pa. May traysikel ngang nakahinto sa tapat ng gate ng bahay nila. Mayamaya pa ay may bumabang lalake na may kakaibang kasoutan. Para itong sinaunang tao kaya agad siyang napalingon sa traysikel para tignan ng maayos ang lalake dahil medyo blur sa salamin pero laking gulat niya dahil wala naman doong lalake na may kakaibang kasuotan. Dahil sa laking pagtataka ay tumingin ulet siya sa salamin at nakita niya ulet ang lalake at nakatingin na ito sa kanya ng tuwid. Lumingon ulet siya para tignan kung andoon na ulet ang lalake pero gumapang nalang ang takot sa pagkatao niya dahil wala siyang nakita doong lalake. Pati ang traysikel ay wala na din.

Hanggang ngayon nga ay hindi pa din maalis sa isip ni @Blue_Doors ang kakaibang pangyayaring yun. Totoo kaya iyon o bunga lang ng malikot niyang imahinasyon?

Araw ng paggawa- February 14, 2015.

Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KAKATAKUTAN part 2! [COMPLETED]Where stories live. Discover now