STORY #55 (True Story)

7.6K 127 6
                                    

This story is from @Deneseee.

Ang karanasan na ito ay karanasan ng kaibigan ni @Deneseee na itago nalang natin sa pangalang Rhen.

Spirit of the Glass

Highschool sila Rhen nun. Tanghali pa lang ay nasa bahay na sila Rhen ng classmate niyang si Rachelle. Kasama nila ang anim pa nilang kaibigan. Wala na kasi silang pasok at doon nila naisipang tumambay.

Hanggang sa dumilim na sa labas ay andun pa din sila. Wala silang balak na umuwi sa kani kanilang mga bahay nun dahil kinabukasan ay summer na at wala ng pasok.

Mga alas otso na nun ng gabi nang maisipan nilang maglaro ng Spirit of the Glass dahil nadin sa pag-oopen ni Rachelle sa kanila na may board daw siya ng Spirit of the Glass.

So, bago nila sinimulan ang laro ay pinadasalan muna nila ang board sa Mama ni Rachelle na isang spiritista pagkatapos nun ay umalis na ang Mama ni Rachelle dahil maglalaro pa daw ito sa casino.

Pagkalabas na pagkalabas ng Mama ni Rachelle sa bahay nila ay agad nilang isinarado ang mga pintuan, bintana at pati na ang ilaw ng bahay. Nagsi-upuan na silang walo sa gitna ng sala pagkatapos ay naglagay na ng kandila sa pagitan ng bawat isa.

Nagsimula na silang magtanong at umuusod naman ang baso. Pero sa isip isip ni Rhen ay baka yung kaibigan lang nila yung umuusod kasi di naman siya naniniwala sa Spirit of the Glass.

"Tama na nga 'to! Kalokohan lang 'to!" Maya maya pa ay sigaw ni Rachelle kaya bumitaw na din sila isa isa.

Dahil wala naman silang ibang pagkakaabalahan ay napagpasyahan nalang nilang lumipat sa kwarto ni Rachelle at magmovie marathon pero maya maya pa ay nakatulog din ang pitong kasama ni Rhen kaya napagpasyahan nalang niyang patayin ang TV at matutulog na din sana nang marinig niyang biglang lumagaslas ang tubig mula sa CR na nasa kwarto lang ni Rachelle. Hindi nalang iyon pinansin ni Rhen dahil baka dahil sa antok lang niya iyon pero mas lalo lang na lumakas ang lagaslas ng tubig tanda na hindi lang iyon basta imahinasyon lang. Agad na nagtalukbong ng kumot si Rhen pero mas lalo siyang nakaramdam ng takot nang maramdaman niyang may dumadaan sa paanan ng malaking kama kung saan sila natutulog na magbabarkada. Kaya hindi na nakatiis pa si Rhen at ginising na niya si Rachelle. Agad naman na nagising si Rachelle na agad din na narinig ang lagaslas ng tubig.

"Pumasok ka ba sa C.R, Rhen?" Rachelle

"Yun na nga eh! Hindi ako pumasok sa C.R at wala akong nakitang pumasok! Pero baka ang Mommy mo, naka-uwi na at hindi ko lang napansin na pumasok kanina. Icheck mo nga ang banyo." Sagot ni Rhen pero hindi sumang-ayon si Rachelle sa utos ni Rhen dahil gumagapang na din ang takot sa katawan nito kaya tinawagan nalang nila ang Mama ng babae. Pero mas lalo lang silang natakot dahil sa sagot nito.

"Ano ka ba? Di pa ako uuwi, baka bukas pa dahil natatalo na ako dito sa casino!"

Dahil sa takot ay napagpasyahan nalang ni Rachelle na tawagan ang pinsan nito na kapitbahay lang din ng mga ito. Hindi naman nagtagal ay dumating din ang pinsan ni Rachelle at pinagalitan pa sila dahil sa pang-iisturbo nila.

"Minumulto kasi kami Ate Joan." Nanginginig na sagot ni Rachelle sa pinsan nito.

"Multo? Tss! Ang tanda tanda mo na, naniniwala ka pa dun? Haha!" Sagot lang nito sabay on ng stereo ni Rachelle na nasa kwarto lang nito pero labis ang pagkabigla ng lahat nang biglang mahulog ang malaking picture frame ni Rachelle na nakalagay sa study table nito. Basag ang salamin ng picture frame.

Ilang linggo ang naka lipas matapos ang paglalaro nila sa bahay ni Rachelle ng Spirit of the Glass at ang biglaang pagkahulog ng malaking picture frame nito ay nanaginip si Rhen na nahulog daw sa ferris wheel si Rachelle. Pero isinawalang bahala nalang niya iyon.

Kinabukasan nga noon ay napagpasyahan nilang walo na pumunta sa perya na bagong bukas lang sa bayan nila.

"Guys, walang sasakay ng rides." Ang sabi pa ni Rhen dahil may kakaibang kilabot na hindi niya maipaliwanag siyang nararamdaman nung mga araw na yun. Bigla din niyang naalala ang panaginip niya.

Pero maya maya lang ay nagtaka sila dahil nawawala si Rachelle at nakita nalang nila ito sa ferris wheel, mali...

Nakita nila ito sa baba ng ferris wheel, lasog lasog ang katawan.

Ang sabi ng mga operator at nakakita sa insidente ay nahulog daw ito sa ferris wheel at ang nakakapagtaka, nung sumakay daw ito sa ferris wheel ay mag-isa lang ang dalaga at parang wala pa daw ito sa sarili na ikinakunot naman ng mga noo nila dahil noong magkasama pa sila ay nasa katinuan naman si Rachelle. Excited na excited pa nga ito na subukan lahat ng rides.

Agad naman na nabigyang linaw ang pagkamatay ni Rachelle dahil na din sa ispiritista ang Mama nito. Nalaman nila na may galit pala sakanya ang pinsan nitong patay na at ang pinsan ni Rachelle ang natawag nila nung naglalaro sila ng Spirit of the Glass.

Rest in peace, Rachelle.

Araw ng paggawa- December 28, 2014

Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KAKATAKUTAN part 2! [COMPLETED]Where stories live. Discover now