STORY #39 (True Story)

8K 144 7
                                    

This story is from @FANGitakoo.

Here's the story.

Magandang gabi

January 4 daw yun. Hindi niya na maalala ang taon pero naaalala pa niya na gabi yun nangyari. Kasama niya ang mga barkada niya. Kasama nila yung isa niyang kaklase na mahilig mantrip. So, nakaupo lang sila sa isang bench nun nang may makita yung classmate niya na matandang lalake.

"Teka muna guys! May ieksampolan lang ako ng trip ko!" Sabi daw nito at tumayo na. Naglakad daw ang kaklase niya patungo sa matandang lalake at nung makalapit na ito dun sa matanda, biglang sumigaw yung kaklase niya ng...

"MAGANDANG GABI PO!" Sabay takbo. Binalewala nalang iyon ni @FANGitakoo kasi sanay din naman siya sa kaklase niya pero nabigla nalang siya nung bigla siyang hilahin patakbo ng mga barkada niya. Nilingon niya kung sinong humahabol sa kanila at nakita niya, hinahabol sila ng matanda. Galit na galit ito na parang papatay na ng tao. Namumula ang mata nito at hindi na ito parang matanda kung tumakbo.

Nung makalayo nga sila at makahanap sila ng mapagtataguan ay may sinabi yung isa niyang barkada na ikinatayo ng balahibo nilang lahat.

"Malamang, nainsulto yung matanda. Sa kanila kasi, umaga ang paningin nila sa gabi."

"A-anong ibig mong sabihin?" Tanong ng kaklase niya na nanginginig pa.

"Yung matanda. Hindi siya tao. Alam ko."

Araw ng paggawa- October 29, 2014

Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KAKATAKUTAN part 2! [COMPLETED]Where stories live. Discover now