STORY #8 (True Story)

17K 234 17
                                    

This story is from my cousin, @RegineLumen.

May story na shinare yung kapitbahay nila sa kanya. Hindi niya experience ang story na to pero she find it creepy kaya shinare niya rin sakin.

White Lady

1st encounter

Yung kapitbahay niya ay may tindahan sa harap ng sementeryo. Mga bandang 9 PM daw yun ng gabi habang patuloy na bumabagsak ang ulan, naka-upo daw yung kapitbahay nila at yung pamangkin niya sa tindahan nila. Masaya daw silang nagkukwentuhan nang biglang umihip ang napakalamig na hangin. Dahil daw dun ay napasulyap ang kapitbahay nila sa sementeryo. Dun daw nakita ng kapitbahay nila yung babae na nakasout ng puting bistida. Napakataas daw ng itim na buhok nito. Naglalakad daw ito papasok sa sementeryo pero nakalutang daw ito sa hangin. Dahil sa takot ay nagsara nalang daw ito ng tindahan at dali daling pumasok sa bahay na nasa gilid lang ng tindahan nito.

2nd encounter

Hating gabi daw yun. Mga 12 midnight. Naalimpungatan daw yung kapitbahay nila @RegineLumen dahil nakarinig daw ito ng motorsiklo na biglang tumigil sa tapat ng bahay nila. Bumangon daw ito at sinilip sa bintana yung motorsiklo. Nakita daw nito na may bumabang babae sa motorsiklo. Nakasout ng puting bistida at may mahabang buhok. Nung nakababa na daw yung babae, humarurot daw paalis yung motorsiklo na parang takot na takot yung driver. Yung babae naman daw ay nakatayo lang at tulala. Mga dalawang minuto daw na nakaganun lang yung babae nang bigla daw itong dumapa sa daan at tumakbo ng mabilis gamit ang mga kamay nito. Pumasok daw ito sa sementeryo. Dahil daw sa takot ng kapitbahay nila @RegineLumen ay napasign of the cross daw ito at napausal ng dasal.

Araw ng paggawa- April 20, 2014

Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KAKATAKUTAN part 2! [COMPLETED]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz