STORY #2 (Not A True Story/Author's Imagination)

27.4K 320 17
                                    

Kabaong

Kilabot ng lugar nila si Tonyo. Takot ang lahat sa kanya. Pati ang mga kataas taasan sa kanilang lugar ay iniiwasang banggain siya. Takot silang banggain si Tonyo dahil mamamatay tao ito. Hindi na mabilang ang mga napapatay nito. Bata, matanda, lalake man o babae ay hindi ligtas kay Tonyo. Kapag nakabangga siya, asahan mo nang kinabukasan ay makikita mo ng walang buhay ang taong iyon.

Isang gabi, habang nag-iinuman si Tonyo kasama ang kanyang mga tao ay may lumapit na pulis sa kanya.

“Ikaw ba si Antonio Marasigan?!” Tanong ng pulis na may hawak hawak na papel. Sa tantiya ni Tonyo ay warrant of arrest yun.

Pero imbis na matakot ay taas noo pang sinagot ni Tonyo ng pabalang ang pulis.

“OO! AKO NGA! BAKIT?! ANONG KAILANGAN MO?! ISTURBO KA HA!”

 

“Sumama ka samin sa presinto!” Anang pulis.

Tumawa lang si Tonyo ng malakas nung marinig ang sabi ng pulis.

“Hindi mo ba kilala kung sinong binabangga mo?! HA?!” Tonyo

“MAY WARRANT OF ARREST KAM—“

Hindi na natuloy ng pulis ang dapat sana ay sasabihin nito dahil agad itong sinuntok ni Tonyo sa mukha.

Nung matumba ang pulis ay agad na kumaripas ng takbo si Tonyo. Rinig na rinig niya ang mga sigaw at putok ng baril ng mga pulis na alam niyang hinahabol siya pero wala siyang pakialam. Ang importante ay makalayo siya sa mga pulis. Ayaw niya pang makulong kaya kailangan niyang makatakas mula sa mga ito.

Takbo lang ng takbo si Tonyo para iligaw ang mga pulis.

Maya maya pa ay nagtataka siyang napahinto sa pagtakbo. Iginala niya ang mga mata sa paligid. Maraming mga krus na nakausli sa lupa. May mga kandilang nakasindi pa at mga bulaklak na katabi ng kandila.

Nasa sementeryo siya.

Napakunot ang noo niya. Bakit siya napunta dito gayong wala namang malapit na sementeryo sa lugar nila.

Pinakiramdaman niya ang paligid.

Tahimik.

Kahit mga tunog ng kuliglig ay wala siyang marinig. Nakakabingi ang katahimikan.

“Nasaan na kaya yung mga gagong pulis na yun?” Tanong niya kahit alam niyang wala namang sasagot sa kanya.

Pero nanlaki nalang ang mga mata niya nang may marinig siyang magsalita.

“Mga pulis? Hindi na kailangan ng mga pulis.”

Napako si Tonyo sa kanyang kinatatayuan habang nanlalaki ang kanyang mga mata. Nagsitindigan rin ang kanyang mga balahibo dahil sa boses na iyon ng babae na sumagot sa tanong niya.

Kakaiba ang boses ng babae. Malamig na malalim. Malalim na animo’y nakalibing ito sa lupa.

“Tonyo.” Tawag ulet ng malamig na boses kay Tonyo.

Kahit na takot na takot ay nilakasan parin ni Tonyo ang loob na lingunin ang babaeng kumakausap sa kanya.

Pero ganun nalang ang panghilakbot niya nung makita ang bagay na nasa harap niya.

Isang kabaong. Kabaong na nakalutang sa hangin.

Natumba si Tonyo sa kinatatayuan niya dahil sa takot. Gusto niyang tumayo at tumakbo pero naudlot iyon dahil biglang bumukas ang kabaong. Kasabay ng pagbukas nun ang pagbangon ng isang babae. Babaeng kilalang kilala niya. Si Marissa. Ang babaeng nirape at pinatay niya.

“A-anong kailangan mo?!” Utal utal na tanong niya.

“Ganti. Gusto kong maghiganti.”

Mas lalong nanlaki ang mga mata ni Tonyo.

“At hindi lang ako ang gustong maghiganti. Marami. Maraming gustong maghiganti.”

Agad na inilibot ni Tonyo ang mga mata niya. Nakapalibot sa kanya ang mga taong pinatay niya.

“P-p-patawad. P-patawad. M-maawa kayo sakin! M-magbabago n-na ako! P-pata--” Tonyo

“Hindi. Hindi ka dapat kaawaan. Kung hindi ka kayang iligpit ng mga pulis, pwes! Kami na ang liligpit sayo!”

 

Sa isang iglap ay bumagsak ang kabaong sa katawan ni Tonyo. Pilit niyang itinulak iyon pero isa isang sumakay sa kabaong ang kaluluwa ng mga taong pinatay niya.

Kinabukasan

Nakita sa isang gubat si Tonyo. Wala itong buhay. Durog ang katawan at ulo nito dahil sa napakalaking troso na bumagsak dito.

 Araw ng paggawa- March 27, 2014

Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KAKATAKUTAN part 2! [COMPLETED]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt