STORY #54 (True Story)

7K 114 6
                                    

This story is from @IAmShen13.

"Minsan, narinig ko sa Lolo niyo, sabi niya, may napakanipis na pintuan na naghihiwalay sa ating mga buhay at mga patay na. Pero yung pintuang yun, minsan, kinakalampag ng mga patay. Pilit nila itong binubuksan sa kadahilanang gusto pa nilang mapabilang sa atin. Kaya sabi noon ng Lolo niyo sa amin, pag may biglang kumatok sa pintuan, wag agad pagbubuksan." -Papa Pedro (Papa ko. )

Pintuan

Gabi na daw iyon. Mga alas onse na ng gabi. Mahimbing na natutulog ang Lola ni @IAmShen13 sa tabi niya habang siya naman ay gising na gising pa habang nagbabasa ng isang kwento sa Wattpad. Maya maya pa, may biglang pumihit pihit ng doorknob ng kwarto kung nasaan sila ng Lola niya. Hindi lang ito pinihit pihit kundi parang nagpupumilit itong buksan ang doorknob ng kwarto nila. Akmang tatayo na sana si @IAmShen13 para pagbuksan ang kung sino mang nagpupumilit makapasok sa kwarto nila dahil baka ang Tito niya iyon o ang Tita niya na siyang umuukupa sa kabilang kwarto nang maalala niya na imposibleng makapasok ang Tito niya dahil nakalock ang mga pintuan nila sa labas pati na ang gate ng bahay nila. At isa pa, nagbilin ang Tito niya na hindi muna uuwi dahil may kailangan pa itong tapusin sa trabaho. At kung ang Tita naman niya ay siguradong kakatok at magsasalita naman iyon.

Pero para makasiguro si @IAmShen13 ay sinilip niya sa peephole ng pintuan ang kung sino man ang nasa labas pero nanlamig nalang siya dahil sa nakita...

wala doong tao pero patuloy pa din na kinakalampag at parang pilit na binubuksan ang pintuan nila.

Sa takot ay agad na napatalon si @IAmShen13 sa kama nila ng Lola niya. Agad din siyang nagtalukbong ng kumot at umusal ng dasal.

Kinaumagahan ay sinabi niya iyon sa Lola at Tita niya pero ang sagot lang ng mga ito ay baka nananaginip lang siya pero alam niya sa sarili niya na totoo iyon. May kung anong hindi nakikitang nilalang ang gustong makapasok sa kanilang kwarto noong gabing yun.

Araw ng paggawa- December 24, 2014

Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KAKATAKUTAN part 2! [COMPLETED]Where stories live. Discover now