STORY #18 (True Story)

16.2K 194 29
                                    

This story is from @MsRiter.

3rd eye

Noong bata pa siya ay may nararamdaman na siyang mga bagay na hindi normal. Marami na siyang naexperience at inisa isa niya yun.

1st experience

Bata pa siya nun. Bagong lipat sila ng bahay kaya excited sila na maglaro agad. Isang gabi, naglaro sila ng taguan at dahil bago pa lang sila doon sa bahay ay may ilang silid pa na hindi naiilawan. Si @MsRiter ang taya nun at sa sala siya nagbilang ng hanggang sampu. Pagkatapos niyang magbilang ay nagsimula na siyang hanapin ang mga kapatid. Napadpad siya sa isang kwarto na madilim. May isang malaking drum doon na kasya ang tao at dun sa drum na yun, may babae na alam niyang ang Ate niya dahil sa buhok nitong mahaba na hanggang bewang. Biniro niya pa ito na bakit nagpakita agad. Nilapitan niya ito at hinawakan sa balikat pero bigla siyang nanlamig. Nagsitayuan din ang mga balahibo niya sa katawan. Umihip din ang pagkalakas lakas na hangin. May naramdaman na siyang kakaiba sa babae na nasa harap niya at alam niyang hindi iyon ang kapatid niya. Inalis na niya ang kamay niya dun at dahan dahan na umatras para umalis na sa kwarto nang biglang lumingon ito sa kanya. Napatili nalang siya dahil sa nakita niya. Wala itong mukha. Itim na itim daw ito na parang anino. Dahil sa takot ay pumikit nalang siya at nagdasal. Pagbukas niya ng mga mata niya ay andun pa rin ang babae. Nang dahil sa takot ay bigla nalang nagdilim ang lahat sa kanya at paggising niya, nakahiga na siya sa kwarto niya.

2nd experience

1st year highschool na si @MsRiter nun. Bakasyon daw yun. Gabi. Nasa sala ang buong pamilya ni @MsRiter at nag-uusap tungkol sa narinig daw ng kapatid niya na boses na nakakatakot. Sabi ng kapatid niya, tumagal daw ito ng halos isang oras. Narinig din daw iyon ng kapitbahay nila. Matapos silang mag-usap ay umakyat na sa kwarto si @MsRiter nang bigla siyang pinanlamigan. Naririnig niya rin ang boses na sinasabi ng kapatid niya at pakiramdam niya, nasa tabi lang niya ito at bumubulong. Dahil feeling niya talaga ay nasa tabi lang niya ito ay napagpasyahan niyang lingunin ito. May nakita siyang pigurang itim sa tabi niya kaya nagtatatakbo siya pababa. Nung makita at hawakan siya ng Mama niya na nasa sala pa nun ay malamig na malamig daw siya mula ulo hanggang talampakan.

3rd experience

Mag-isa lang si @MsRiter sa bahay nila nun at dahil hilig niyang gumuhit ay nagdrawing siya dun sa living room nila nang may biglang sumitsit. Natakot siya kaya lumabas nalang siya ng bahay nila at dun tumambay sa porch. Maya maya pa ay dumating ang Tita niya na may dalang lutuin kaya pinapasok niya ito at sinundan hanggang sa kusina. Tinatanong niya ito kung ano ang lulutuin nito pero hindi ito sumasagot. Nakatitig lang siya sa likod ng Tita niya habang nagtataka sa inakto nito nang bigla siyang makarinig ng ingay sa sala kaya agad niya itong pinuntahan. Nanlaki nalang ang mga mata niya dahil andun ang Tita niya na pinupulot ang mga nahulog na pinamili nito. Bumalik agad si @MsRiter sa kusina pero walang tao doon.

4th experience

3rd year highschool si @MsRiter nun at dahil 3rd year na siya, marami silang ginawang activity sa skwelahan kaya pag-uwi niya, kumain lang siya ng hapunan at natulog na pero maya maya lang ay naalimpungtan siya at nagising. Paggising niya, nagtaka siya kung bakit ang dilim ng paligid niya kaya tumingala siya sa kisame at dun nakita niya ang itim na pigura ng isang taong may mapupulang mata. Sinasabi nito sa kanya na kukunin nito ang kaluluwa ng kapatid na katabi lang niya sa pagtulog. Maya maya daw ay may umaangat sa eri na puting bagay at yun ang kaluluwa ng kapatid niya. Pagkatapos nitong kunin ang kaluluwa ng kapatid niya ay siya naman ang binalingan nito. Unti unti daw siyang nanghina at di makahinga. Gusto niyang sumigaw at tumayo sa kama para makatakbo pero di niya magawa. Biglang sumagi sa isip niya na baka panaginip lang ito kaya pinilit niyang gumising pero hindi niya talaga kaya. Feeling niya, nakakulong siya sa nakakatakot na panaginip na iyon pero kahit ganun ay pinilit niya pa ring gumising. Maya maya pa ay may narinig siyang mga boses at yun ang nakapagpagising sa kanya. Ang Ate niya iyon na alalang alala sa kanya dahil binabangungot na naman siya. Ilang beses na daw na nangyari iyon sa kanya. Hindi lang dalawa o tatlong beses kundi apat na beses sa magkaibang lugar.

5th experience

Ang ikalima daw niyang panaginip ay hindi niya alam kong coincidence o ano dahil may napanaginipan daw siyang isang lugar na may ipo ipo. Umuulan din daw ng malakas na sinasabayan ng hangin na pagkalakas lakas din. Parang bagyo na malakas. May mga tao daw na nakahandusay sa lugar na iyon. Puro patay ang mga ito. Pagkagising niya, habol habol niya ang hininga niya. Makalipas ang ilang buwan, nagulat nalang daw siya nang may napabalitang bagyo. Pinakamalakas daw ito sa kasaysayan at ang mas nakakagulat pa ay habang nanunuod siya ng balita, ang lugar daw na nasa balita at ang nasa panaginip niya ay iisa.

6th experience

4th year siya nun. Month of March yun kaya busy silang mga myembro ng School Publication. Nagagabihan pa sila sa pag-uwi dahil sa pagkabusy. Isang gabi daw nun, may pumunta sa room nila na friend ng kasama niya sa School Publication. Hindi daw ito mapakali. Tinanong niya ito kung bakit at sinabi nito sa kanya na may sumusunod sa kanilang pigurang itim. Oo't ramdam niya ag prisensya ng pigurang itim dahil ilang beses na itong nagparamdam sa kanya pero hindi niya nalang ito sinabi sa kaibigan ng kasama niya sa School Publication dahil baka mas lalo itong matakot. Pauwi na sila nun nang bigla siyang kinalabit nung kaibigan ng kasama niya sa Shcool Publication at sinabi na nakasunod daw sa kanila yung pigurang itim pero binalewala nalang niya ito at hindi sinabi na nararamdaman niya rin ang pigurang itim para makauwi sila ng matiwasay. Sumunod na araw ay nagabihan ulit sila at naramdaman na naman niya yung presinsya ng pigurang itim. Nakikita rin daw niya sa sulok ng mata niya ang pigurang itim pero nagkunwari nalang siya na hindi niya nakita.

Ilan lamang iyan sa mga naranasan ni @MsRiter. Nasanay narin siya na makakita ng mga hindi nakikita ng mga ordinaryong tao. Nasanay narin siya sa pigurang itim na siyang laging nakikita at nagpaparamdam sa kanya. Sa katunayan daw ay habang tinatype niya ang kwento niyang ito ay ramdam niya ang prisensiya ng pigurang itim dahil sa mabigat na mabigat ang likod niya.

Pinakunsulta na daw siya ng mga magulang niya sa espiritista at sinabing bukas ang 3rd eye niya at hindi pa ito pwedeng isara dahil baka hindi kayanin ng katawan niya ang gagawing ritwal.

Araw ng paggawa- May 16, 2014

Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KAKATAKUTAN part 2! [COMPLETED]Where stories live. Discover now