STORY #12 (True Story)

16.9K 211 12
                                    

This story is from @fifidizon.

Bulong

Nangyari ito kina @fifidizon nung taong 2012. Month of May. Galing sila ng sagala nun ng pinsan niyang si Jayla. Dumeritso silang dalawa sa bahay ni @fifidizon dahil kakauwi lang ng kapatid nito na si Dael galing Saudi. Halos lahat ng pinsan ni @fifidizon ay nasa bahay nila. Sila Lyka, Jayla, Maki at Brent. Masaya sila nung gabing yun dahil nagkakasiyahan sila. Tawanan dito, tawanan doon. Napaka-ingay ng boung bahay. Aware si @fifidizon na may iba pang nilalang na andun sa bahay nila na siya lang ang nakakakita pero dinedma nalang daw niya ito.

Mga bandang alas onse na yun nang dumating si Kat na barkada ni Lyka kaya napagpasyahan nilang sindihan ang cake ni Lyka dahil birthday rin daw nito. Pagkatapos na magblow ng cake si Lyka ay nagpunasan na sila ng icing nang biglang matigil yun dahil nawawala daw ang black berry na cellphone ng kapatid ni @fifidizon na si Dael na kadadating lang galing Saudi. Kaya napagpasyahan nilang itigil muna ang kasiyahan at hanapin ang nawawalang cellphone.

Sa kalagitnaan ng paghahanap nila ay biglang lumabas si Jayla na pinsan ni @fifidizon sa kwarto. Namumutla ito at parang takot na takot kaya tinanong agad ito ni @fifidizon.

"Oh? Anyare sayo?"

"Kasi kanina pagpasok ko sa kwarto napansin ko na may pumasok din. Akala ko si Kuya Maki kaya di ko nalang pinansin. Habang naghahanap ako, may biglang bumulong ng 'Wala dito' kaya nilingon ko pero wala namang tao." Takot na takot na kwento nito.

Pagkatapos daw na magkwento ni Jayla ay may bumulong din kay @fifidizon ng 'Patayin mo ang ilaw'. Kaya pinapatay daw niya agad ang ilaw at dun nila nakita ang cellphone sa ilalim ng washing machine. Maayos daw itong nakalagay doon at wala dawng gasgas sa likod. Imposible naman daw na isa sa kanila ang nagtago nun dahil andun silang lahat sa sala nung nawala ang cellphone.

Pagkatapos daw ng kasiyahan ay nagkwentuhan sa kwarto sina @fifidizon at ang mga pinsan niya at doon niya na-open ang nangyari kay Jayla habang naghahanap sa nawawalang cellphone. Nung tapos na dawng magkwento si @fifidizon ay may nakita siyang nakatayong lalaki sa pinto kaya itinuro niya iyon. Pagkatapos niyang ituro ay sumama na daw ang pakiramdam niya. May bumubulong narin daw sa taenga niya kaya lumapit daw siya sa kapatid niya at yumakap dito. Ipinantakip daw niya ang braso ng kapatid niya sa taenga niya para di marinig ang mga bulong pero useless daw ito. Nagsimula na daw siyang umiyak at magwala kaya nagkagulo na sa loob ng bahay. Ibinaba daw ng tita nila si Jayla at isinunod si @fifidizon para daw ilayo ito sa bahay. Nung nasa labas na sila ay ramdam pa rin daw ni @fifidizon na kasama nila yung matandang lalaki na bumubulong sa kanila. Mas bumigat daw ang pakiramdam ni @fifidizon kaya nahimatay siya. Pero ang sabi sa kanya ng mga pinsan niya ay nagwala daw siya at nagsisisigaw. Sinapian daw siya.

Kinabukasan daw ay sinabi ng albularyo na nagambala daw nila yung mga nakatira sa bahay at kaya si @fifidizon ang nasapian dahil bukas daw ang third eye nito.

Araw ng paggawa- May 1, 2014

Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KAKATAKUTAN part 2! [COMPLETED]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt