STORY #17 (True Story)

13.7K 189 13
                                    

This story is from @enzoTY.

Engkanto

7 years old si @enzoTY nun nung nangyari sa Tito niya to. Yung panahon na yun daw ay may sakit ang asawa ng Tito Jimmy niya na itago nalang natin sa pangalang Tita Menchie. At dahil nasa probinsiya pa sila nun at malayo sa doctor ay nagdesisyon nalang ang Tito Jimmy ni @enzoTY na pumunta sa kabundukan para kumuha ng halamang gamot. Mga alas sais na ng hapon nun nung lumakad ang Tito Jimmy niya dala ang plastik na lalagyan ng halamang gamot at itak. Pero dumating ang alas syete ng gabi ay hindi pa rin ito nakakabalik. Hindi naman nila ito matawagan dahil wala silang cellphone nun. Lahat na sila ay kinabahan nung mga oras na yun hanggang pumatak ang alas otso, alas nuebe at alas dyes ay wala paring Jimmy na nagpapakita sa kanila. Nagsimula ng maghisterikal ang Tita Menchie ni @enzoTY nun.

Kinabukasan. Mga alas otso ng umaga, napagdesisyunan na nila na tumawag sa pulis probinsiya. Nilibot ng mga pulis ang boung probinsiya pati na yung bundok kung saan nagpunta ang Tito Jimmy ni @enzoTY pero wala silang nakitang bakas ni Jimmy doon. Pero hindi pa rin sila sumuko pati na ang mga pulis pati narin ang Tita Menchie ni @enzoTY na nilalakasan pa rin ang loob kahit na nanlalambot na ito.

Mga 6:30 pm yun ng hapon. Kagat na ang dilim. Lahat sila naghihintay sa paanan ng bundok nang may bigla silang nakitang ilaw na galing sa bundok. Palapit na palapit yung ilaw. Saka lang nila napagtanto na si Jimmy yun. Bakas sa mukha nito ang pagtataka. Dali daling tumakbo ang Tita Menchie ni @enzoTY sa asawa at niyakap ito. Pero imbis na umiyak rin ay nagtatakang nagtanong pa ito na parang walang alam sa mga nangyayari.

"Bakit may mga pulis? Parang ang tagal kong nawala ah?" Nagtaka silang lahat sa tanong ni Jimmy.

"Ano ka ba Jim! Isang araw kanang nawawala! Nagpatawag na ako ng mga pulis para ipahanap ka pero hindi ka nila makita kita!" Nagulat naman si Jimmy dahil sa sagot ng asawa.

"Hindi! Hindi ako isang araw nawala! Nakakuha ako ng halamang gamot! Ito oh! Ang bilis ko ngang nakakuha eh! Anong sinasabi niyong isang araw?!" Para maniwala talaga ito ay ipinakita ng Papa ni @enzoTY ang calendar ng cellphone nito.

"December 4 ka umalis. December 5 na ngayon." Napanganga nalang si Jimmy dahil sa nakita.

Noong hapon ding yun ay kinausap si Jimmy ng Lolo ni @enzoTY.

"Mabuti nalamang at iyan lamang ang ginawa nila sayo, pinaglaruan ka ng mga engkanto Jimmy. siguro ay ayan lamang ang kinahinatnan mo dahil maganda naman ang iyong intensyon sa pag akyat ng bundok. Wag na wag kanang babalik muli sa bundok na iyon."

Araw ng paggawa- May 12, 2014

Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KAKATAKUTAN part 2! [COMPLETED]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن