STORY #19 (True Story)

13.6K 157 13
                                    

This story is from @RanzKyleismine22.

Batang babae

Sa isang bayan sa bulacan, may isang bahay na ang likod ay isang bukid at dun nakatira ang Tito ni @RanzKyleismine22 na itago nalang natin sa pangalang Ollan.

Alas tres ng madaling araw nun. Kasalukuyang nakahiga ang Tito Ollan ni @RanzKyleismine22 sa kama nito habang nakatingin sa kisame at nagpapaantok nang may biglang sumakal sa kanya na hindi niya makita. May parang nakahawak din sa kamay at paa niya na hindi niya rin makita. Pilit iginagalaw ng Tito ni @RanzKyleismine22 ang mga braso at paa niya pero hindi niya magawa dahil napakalakas ng mga nakahawak sa kanya. Sinubukan niya ring sumigaw pero walang lumalabas na boses sa bibig niya dahil sa pagkakasakal sa kanya. Nung hindi na makahinga ang Tito Ollan ni @RanzKyleismine22 ay pinilit niyang bumangon at sa pagpipilit niya ay napalingon siya sa pintuan ng kwarto niya. May nakadapang batang babae dun. Nakatingin ito sa kanya na parang galit na galit. Lalo siyang kinilabutan nung bigla siyang hilahin ng mga may hawak sa kanya papunta sa pinto at nanlaki nalang ang mga mata niya nung mapagtanto na ilang pulgada nalang ang layo ng mga mukha nila ng batang babae. Pero ang tagpong hindi niya makakalimutan ay nung biglang gumapang pabaliktad ang bata papunta sa backdoor nila. Nung mawala na daw yung bata sa paningin ng Tito Ollan ni @RanzKyleismine22 ay biglang nawala ang mga humawak sa paa at braso niya pati na ang sumakal sa kanya na hindi niya nakikita.

Ano kaya ang batang babaeng yun? Engkanto o demonyo?

Araw ng paggawa- May 28, 2014

Nginig! (Compilation Of Horror Stories) KAKATAKUTAN part 2! [COMPLETED]Where stories live. Discover now