#vocalteamimagines

9.1K 144 31
                                    


====
Minsan ba pinangarap mong maipit sa love triangle? Yung tipong halos dinaig mo na sa haba ang buhok ni Rapunzel dahil halos magpatayan ang dalawang lalaki makuha lamang ang iyong puso?

Oo, halos lahat ng babae sa mundo ay minsan nang nangarap may kinalaman rito. At kung sinuswerte ka nga naman, isa ka sa pinagpalang nilalang na pinag-aagawan ngayon.

"Anong ginagawa mo rito?!" Sigaw ni Seokmin sabay hablot sa iyong braso.

"E Ikaw, ano ring ginagawa mo rito ha?!" Sigaw naman ni Seungkwan sabay hablot sa kabila mong kamay.

Seokmin sa kaliwa, Seungkwan naman sa kanan. Ilang beses ka nagpalipat lipat ng tingin sa dalawang may mga hawak pang bulaklak.

"Sabi mo kahapon Wala kang gusto kay (y/n)! Sinungaling!" Reklamo ni Seokmin.

"Oh my gosh Seokmin.  Tinanong din kita kung may gusto ka sa kaniya pero wala rin ang sagot mo. Wag ka nga ring magmalinis!" Tugon naman ni Seungkwan.

Matagal mo ng alam na may gusto sayo ang dalawang lalaki na ito. Hindi mo lang akalain na darating sa punto na sabay pa silang darating sa harap ng bahay niyo na may dalang bulaklak at muntikan pang mangharana. Eh kung mag-duet nalang kaya Sila kaysa magsigawan?

Umagang umaga kasi, pinag aagawan ka nila sa gitna ng daan. Kaya tuloy yung mga aso ng kapitbahay niyo, nakikisali rin sa ingay. Hay buhay, nakaka-stress hindi ba?

"Ano ba?! Magsitigil na nga kayo! Naguguluhan na ako!" Ang reklamo mo at bumitaw sa dalawa. Bahagya kang umatras upang makahinga.

"Pumili ka (y/n). Ako, o yung kabayo?" Ang sabi ni Seungkwan na nakaturo pa sa matangos na ilong ni Seokmin.

"Mas maganda na ang kabayo kaysa sa baboy," pang aasar ni Seokmin.

"Hindi ako baboy!"

"Bakit mo kasi ako sinabihan na kabayo?!"

At doon na nagsimula ang rambulan ng dalawa.

Napaiba ka nalang ng tingin at napabuntong  hininga. "Pareho naman silang cute. Mag two timer nalang kaya ako para walang away?"

Habang pinapanood mo ang dalawa ay may umakbay Bigla sa iyong balikat.

"Nag-eenjoy ka ba na pinag aagawan ka nila?" He asked.

Agad kang lumingon. At sa gulat ay napanlakihan mo siya ng mata sabay napasigaw ng, "Hoy! Bakit ka nandito?! Waaah! Namiss kita!"

Then you hugged him tightly.

Napatigil sa pagsasakalan ang dalawa at tumingin sa direksyon niyo.

"Sino naman yung kayakap niya?" Naiinis na bulong ni Seokmin.

"Hindi ko alam pero, bwuset bakit ang gwapo niya?!" Nanggigigil na sambit ni Seungkwan.

Ang lalaking kayakap mo lang naman ay si Jisoo, your childhood best friend. Halos ilang taon narin kayong hindi nakita mula ng mag aral siya sa Italy para maging chef.

You pulled back and saw his eyes smile. "Anong ginagawa ng chef kong kaibigan dito? Nag babakasyon ka ba?"

Joshua chuckled. "Hmmm sort of. At tsaka tumatanda na ako kaya bumalik ako para maghanap ng Asawa."

"Sus. Sa gwapo mong yan at sa Pera mo, walang tatanggi sayo no,' you giggled.

Napakamot lang siya ng batok sabay tumingin sa dalawa. "So Sino sa kanila ang boyfriend mo?"

Napataas ng kilay ang dalawa sabay lumapit ng nakapameywang pa.

"Ah sila? Wala akong boyfriend sa mga yan. Nandito lang Sila para maglaro ng bahay bahayan," paliwanag mo.

"Grabe ka naman! Mukha ba ako naglalaro ha?" Sigaw ni Seungkwan.

"(Y/n) naman, hindi laro ang pagmamahal ko sayo," Seokmin pouted.

Agad na napangiti si Jisoo at napahawak sa kamay mo. "Tamang tama, Wala ka pa palang boyfriend. Bumalik ako rito para  sayo."

Kayong tatlo ay napatingin sa kaniya. Anong ibig niyang sabihin?

"(Y/n), I like you. Be my girlfriend,' he confessed.

Napanganga kayong tatlo sa gulat. Ano raw?!

"W-wait Jisoo, ang ibig mo bang sabihin Ikaw sa akin ay may...  May"

Agad kayong pinaghiwalay ng dalawa, ngunit hindi nila kayang putulin ang maiinit niyong titigan.

"Teka Teka, kung gusto mo siya at nandito ka para makipag laban samin, ang daya naman ata!" Seungkwan complained.

"Oo nga. Humanap ka nalang ng iba." Seokmin frowned.

"No." Jisoo answered, still looking at you. "For me, she is the most beautiful girl. And I want her no matter what happen."

Jisoo is your best friend. Ang malaman na ang iyong kaibigan ay may pagtingin  pala sa iyo ay talaga namang nakakagulat, anupat sa panahong ito, halos makalimutan mo ng huminga.

Speaking of beautiful girl ay sakto namang napadaan si Jeonghan, ang iyong dakilang kapitbahay.

"Anong meron dito?" Jeonghan asked sabay umeksena.

Agad na itinulak ni Seungkwan at Seokmin si Jeonghan kay Jisoo anupat napayakap silang dalawa sa isa't isa.

"Ayan, speaking of maganda. Sa kaniya ka nalang. Jeonghan meet Jisoo, Jisoo meet Jeonghan. Maganda Yan, lalaki nga lang, pagtiisan mo na," Seungkwan said.

Dahil sa pandidiri ay napamura si Jeonghan at nakapatulak kay Jisoo. "What the hell. Lalaki ako. At babae ang gusto ko!" He shouted.

"weh? Eh ni isang beses hindi ka pa nga nagkagirlfriend eh." Panunukso ni Seokmin.

Jeonghan answered, "babae ang gusto ko. I like girls. I want to kiss girls. At katunayan, kagabi, hinalikan ko si...si..." Napatigil si Jeonghan.

Sabay niyong naalala ang nangyari kagabi. Na hinalikan ka ng kapitbahay mo sa mismong tapat ng bahay niyo!

Napatingin kayo sa isa't isa at agad na namula ang mga pisngi.

Napakunot ng noo ang tatlo at napakuyom ng mga kamay. Ang paligid ay uminit dahil sa pag ihip ng hanging nangangalang SELOS.

At hindi pa nakakareact ang lahat ay dumating naman si Jihoon.

"Aga aga may noise pollution," reklamo nito na inaalog ang tenga.

Ngunit nang magtama ang mga mata nila ni Jisoo ay namutla ito na animo'y nakakita ng multo.

"Jihoon! Kamusta?" Jisoo smiled at him

"J-Jisoo," Di mawaring bati ni Jihoon.

"Magkakilala kayo?" Pakiki-chismis ni Seungkwan.

"Yup, magkakalaro kami noong bata pa kami nila (y/n)," sagot ni Jisoo.

At para maiba ang mood ay agad kang umakbay kay Jihoon at sinabing, "Kapatid ko na so Jihoon ngayon! Hehe. Nag re-married kasi si Papa sa Mama ni Jihoon. So, step brother ko na siya."

Napayuko si Jihoon at napakagat sa labi.

Napanganga naman sa gulat si Jisoo bago napasambit ng, "Imposible. Ang Alam ko, may gusto sayo si Jihoon mula ng bata pa tayo. Palagi ka pa nga naming pinag aawayan at pinag aagawan e."

Parang tumigil ang iyong mundo

Mukhang hindi lang love triangle ang mararanasan mo.

====

Seventeen imaginesNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ