#45 "Will you come to me?" (tagalog Imagines)

11.3K 155 60
                                    

#svtshortimagines #Joshua (#45)

===

Hong Jisoo, 22 years old at single. Gwapo siya, matalino at siya na ata ang kaisa-isang lalaki na hinding-hindi mo maririnig na mag-mura. Wala rin siya bisyo;alak, sigarilyo o droga. Palagi rin siyang bukambibig ng mga kababaihan sa buong campus. Kung titignan sa kabuuan, mapapakanta ka ng ~"Na sayo na ang lahat"~. Pero sa katunayan, mayroon siyang malaking problema. Ano iyon?

Hong Jisoo is allergic to girls.

Matitigan lang siya ng babae, mahawakan o madaplisan, hindi na siya mapakali at makahinga ng maayos. Iyon ang dahilan kung bakit wala pa siyang naging girlfriend at first kiss. Ang saklap hindi ba?

Gusto naman niyang mapaglabanan ang sakit na ito. Actually, linggo linggo siyang nagpapatingin sa psychologist. Nag-i-intake din siya ng gamot pampakalma sa tuwing aatakihin siya ng kirot sa dibdib. Subalit, parang walang epekto ang lahat ng kaniyang pagsisikap. Naisip na nga lang niyang mag-pari sa simbahan, tumandang binata, makalbo pagdating ng panahon at mamatay ng virgin.

Sayang naman kung hindi mapapalaki ang kaniyang lahi!

Tanggap na niya na wala ng magbabago. Kaya nagdesisyon siya na magkaroon ng payapang buhay malayo sa mga babae. Ngunit, nagbago ang lahat ng dumating ka sa kaniyang buhay.

Na-gwapuhan ka sa kaniya noong una mo siyang makita. It was not a love at first sight. Pero, habang pinapanood mo siya sa malayo, nakita mo kung ano ang malaking pagkakaiba niya sa ibang mga lalaki. He is gentle, soft and kind. Iyon ang dahilan kung bakit naging interesado ka sa kaniya. Yun nga lang, nabalitaan mo na ilap at takot siya sa mga babae.

At dahil dakila kang itsusera, sinadya mong lapitan siya at guluhin ang kaniyang buhay. Palagi mo siyang sinusundan, kinakausap, hinahawakan at muntik pa ngang halikan! Kaya nakilala ka tuloy sa campus na dakilang stalker ni Mr.Hong Jisoo. It was fun at first, seeing him in his frustrated face. Yung natutuwa ka na makita siyang kinakabahan at hindi mapakali sa tuwing lalapitan mo siya.

Hanggang sa... hindi mo namamalayang, unti unti ka ng nahuhulog sa lalaking, hindi man lang magawang matitigan ka mata sa mata. It became a habit, a habit of following, of thinking him everyday and liking him as the days went by. Until one day, nagsimula ka ng mapagod, manlumo at sumuko.

Limang araw na ang nakalilipas mula ng iniwasan mo siya.

Iyon sa tingin mo ang pinakamabisang paraan para pigilan ang isang pagmamahal na alam mong walang patutunguhan. For you, ikaw ay isa lamang stalker.

Ngunit, mukhang minamalas ka ngayong araw. Bakit? Dahil nagkasabay kayong dalawa ni Jisoo sa elevator at saktong nasira ang power ng elevator at na-stuck ito sa gitna!

Malas ba ang tawag dito? O tadhana?

Umupo ka sa gilid, malayo sa kaniya. Yakap yakap ang iyong mga tuhod ay hindi mo siya nililingon, anupat inaalala mo ang kaniyang kalagayan. Baka kasi bigla siyang mahimatay o mahirapang makahinga kapag nilapitan mo siya.

Nakaupo rin siya sa kabilang sulok, nakayakap sa mga tuhod at naghihintay ng dumating ang tulong. He slowly looked at you.

To be honest, he used to hate you. Ayaw niya sayo dahil alam niyang sinasadya mo siya at sinusubukan. Hindi niya gusto kung paano ka tumingin sa kaniya, kung paano mo siya nakawan ng hawak at ipagsigawan na gusto mo siya. Dahil sa tuwing gagawin mo iyon, hindi siya makahinga at napapahawak nalang siya sa dibdib kung paanong ganito ang ginagawa niya sa ngayon habang magkasama kayo sa masikip ng kwadradong elevator.

He gripped his shirt on his chest. Ilang beses din siyang huminga ng malalim at lumunok.

"Kamusta ka na? I-Ilang araw na kitang hindi nakikita sa campus? Busy ka ba?" he asked.

Seventeen imaginesWhere stories live. Discover now