"I'm sorry, Blaire. Everything was blurry but one thing is certain, we'll be taught to fly!" masayang sagot ulit ni Ella. My muscles tensed a bit as my heart started to beat erratically.  Naramdaman ko na may itatanong pa sana si Ella pero buti na lang ay nagsalita si Gale kaya hindi iyon natuloy.

"Oh, naalala ko na. Kaya pala tinanong ako kanina ni Madame Khaleesi kung pumunta ako sa silid-aklatan. May nawawala pa lang libro," pahayag ni Gale na nagpamutla kay Ella.

"Uy Galeby! Huwag kang magbiro ng ganyan!" Rinig ko namang sinabi ni Ella. Kinabahan din ako para sa aking kaibigan.

Isinandal naman ni Gale ang kanyang kamay sa mesa bago niya inilapit ang kanyang mukha sa katabi ko. "Bakit naman ako magbibiro kung seryoso ako sa iyo?"

Napanganga akong napalakpak dahil sa sinabi ng lalaki. Nakipag-apir pa ako sa kanya pagkatapos habang pinipigilan ang umaapaw kong kilig. Parang mansanas na ang mukha ni Ella dahil sa pamumula niya.

"Pwede na ba?" Tanong sa akin ni Gale na sinagot ko ng tango at tapik sa balikat. Hindi pa rin makarecover si Ella dahil hindi na niya matignan sa mata ang lalaki.

"Pero huwag kang mag-alala, Ella. Hindi kita isusumbong. You can keep the book," dagdag pa ni Gale kaya halos umabot na sa tenga ang ngiti ng katabi ko.

"Pwedeng ikaw na lang ikeep ko?"

Napafacepalm naman ako sa sinabi ni Ella. "Stop na guys! Nagmumukha na akong third party. Mabuti pa at kumain na tayo!"

Tinawanan ako ng dalawa pero sinunod naman nila ang sinabi ko. Habang kumakain ay masaya kaming nagkukuwentuhan at nagbibiruang tatlo. Pero halata talaga kay Ella na gutom na gutom siya dahil halos gamitin na niya ang kanyang dalawang kamay sa pagkain. Daig pa niya ang isang taong hindi nakakain ng isang taon sa inaakto niya ngayon. Naubos yata ang lakas niya sa kilig moments with crush.

Ngayon ay kakatapos ko lang ubusin ang chicken sandwich at ngayon ay iniinom ko na ang mainit-init na tsokolate. It was perfect to ease the coldness I was feeling earlier.

Dahil sa aking pagkahalina sa lasa ng aking inumin ay hindi ko napansin na may inimbita si Gale para samahan kami sa aming mesa. At nang tignan ko kung sino iyon ay nabigla ako nang makita ko ang kalmado at nakangiting si Asher habang papalapit ito sa aming direksyon.

I suddenly became conscious of myself. Mabilis kong inayos ang aking buhok sa pamamagitan ng pagsuklay dito gamit ang aking mga daliri. At nang marinig ko ang boses niya habang kinakausap siya ni Gale ay biglang nagwala ang aking puso sa hindi malamang dahilan. Hindi ko siya matitigan nang biglang uminit ang aking pisngi.

These past few days, I have been seeking his presence. Pero ngayong nandidito na siya, ni hindi ko nga magawang magsalita.

"Good morning folks! Most especially to the beautiful ladies in front of me. Kumusta ang umaga niyo?" rinig kong nagagalak niyang bati sa amin. His peaceful and manly voice made me blush. Mahihiya talaga ang mga kamatis sa kulay ng mukha ko ngayon.

Ano na ba ang nangyayari sa akin? Why does this happen to me everytime I saw him?

Bumati na rin sina Gale at Ella sa kanya at ako na lang ang hindi. Pero kahit anong gawin ko ay hindi ko magawang tumingin sa kanya ng diretso. Naramdaman ko na nga ang pagsundot ni Ella sa aking tagiliran dahil baka nagtataka na sila kung bakit ganito ang kinikilos ko.

Inipon ko ang lahat ng lakas ng loob sa aking katawan habang hinahanda ang aking sarili. Parang sasabak ako sa isang digmaan dahil sa nararamdaman ko ngayon. Halo halo na talaga. Bahala na nga.

I slowly lifted my eyes as I came in contact with his. I tried my best to hide the blush on my face as my lips curved into a shy smile. "Magandang umaga rin sa iyo, Asher. Long time no see."

The Lost ProdigyWhere stories live. Discover now