Ano na naman ba ang ginawa ng lalaking iyon?

Ipinagpaliban ko muna ang mga katanungang bumulaga sa aking isipan dahil kailangan ko pang ipasok sa loob si Ophelia. Baka magkaroon pa siya ng sakit dahil sa lamig.

Dahan dahan ko siyang inalalayan at isinampay ko ang kamay niya sa aking balikat. Parang hindi nauubusan ng luha ang babaeng ito dahil sa walang humpay nitong pag-iyak. Pero sa sandaling ito ay nakita ko ang ibang pagkatao ng isang Ophelia Zestaria. And somehow, I can see myself in her.

Pagkatapos ng ilang segundo ay nakalapit na ako sa kama ni Ophelia. Hindi naman siya masyadong mabigat kaya hindi ako nahirapan sa pag-alalay sa kanya. Pero hindi ko rin maiwasang hindi maawa sa kalagayan niya ngayon. She looks devastated and crestfallen.

Nang maka-ipon na ako ng sapat na puwersa ay tahimik ko siyang ihiniga sa kanyang kama. Nanginginig pa rin siya pero unti unti na ring tumitigil ang kanyang paghikbi. Pagkatapos ko siyang kumutan ay pinagmasdan ko ang pagtulo ng pinakahuling luha mula sa kanyang kaliwang mata.

Lumipas ang ilan pang minuto ay tumigil na rin sa wakas ang kanyang pag-iyak at nakatulog na rin siya. Tinungo ko na rin ang aking higaan para matulog ulit. Ikalawang linggo na ng aming training bukas at kakailanganin ko ng sapat na enerhiya para sa mga ipapagawa sa amin ni Sir Callum.

Pero bago ako matulog ay napasulyap ulit ako sa direksyon ni Ophelia na ngayon ay mahimbing nang natutulog at halatang napagod sa pag-iyak. Pero isang katanungan ang biglang sumulpot sa aking isipan.

"Sino ka nga ba talaga, Ophelia?"
___

Kasalukuyan akong naglalakad papuntang Promendae para roon ulit kumain ng almusal kasama sina Ella at Gale. Kaunti pa lang ang mga taong nakikita kong naglalakad dahil maaga pa naman at papasikat pa lang ang araw sa silangan.

Early in the morning, my mind is already bothered and I'm so disappointed. Kasi kanina pagkagising ko, hindi ko nadatnan at nakita si Ophelia. Her bed was already perfectly arranged when I woke up. I was going to ask her questions para mapayapa na ako sa pag-iisip. Pero wala eh.

That girl is really mysterious. Napapansin kong parati siyang mailap sa mga tao o umiiwas talaga siya. And she seldom talks, literally. Nagsasalita lang siya kapag kinakausap ni Sir Callum at ng iba pang mga guro sa akademya. Paminsan minsan lang din kami nag-uusap at kadalasan pa nga ay hindi niya ako pinapansin.

Sino ba talaga siya? Si Felix bang kasamahan namin ang tinutukoy niya kagabi at bakit siya nagkaganoon? Ano ba ang tinatago niya?

Mas binilisan ko na lang ang paglalakad papunta sa parke sa pagbabasakaling nandoon siya. Pero nadismaya lang ako dahil hindi siya kabilang sa mga taong naririto ngayon.

Napaupo na lang ako sa isang malapit na upuan at napahilamos sa aking mukha. My curiosity is already killing me. Dagdagan pa ng napanaginipan ko kagabi. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Mababaliw na talaga ako kapag wala akong masabihan nito.

Natupad naman ang hiling ko nang eksaktong dumating na rin si Ella. Parampa pa siyang naglakad papunta sa aking direksyon habang minomodelo ang bitbit niyang malaking basket. Napaface-palm na lang ako sa pinaggagawa niya.

"Hi Blaire! I'm sorry nalate ako. You know naman, I need my beauty sleep. Bumalik pa pala si Gale sa House Imperium dahil may nakalimutan siya. Nauna na ako dahil you know naman na ayaw kong pinaghihintay di---," hindi ko na pinatapos si Ella sa pagsasalita dahil hinila ko na siya paupo sa tabi ko.

"Ay grabe ka, Blaire. Ang harsh mo," pabebe niyang wika with matching paiyak-iyak effect pa. Inirapan ko na lang siya bago magsalita.

"Tama na ang drama okay? I have something important to tell you," seryoso kong banggit sa kanya. Nagulat ako nang biglang lumaki ang kanyang mata at lumawak ang kanyang mga ngiti.

"OMG! Nililigawan ka na ni Fafa Asher? Sabi sa iyo eh, the two of you are meant to be!" Bulalas niya kaya pinagtitinginan na kami ng ibang tao. Kaya ayun, nabatukan ko tuloy siya para matahimik. Humingi na rin ako ng pasensya sa lahat ng mga taong naabala namin.

"Aray," wika ni Ella habang himas himas ang ulo niya.

"Ano ba ang ginawa ko para bigyan ako ng sadistang kaibigan?" maarte niyang tanong habang nakatingin pa sa itaas. "Why?" dugtong pa niya habang pinagsaklop pa ang dalawa niyang palad.

Matalim ko siyang tinitigan kaya sa huli ay nahihiya siyang ngumiti sa akin sabay kamot sa batok. "Siyempre biro lang! Maswerte kaya ako dahil nandiyan ka always for me. Pero sigurado ka bang sasabihin mo talaga sa akin ang bagay na gusto mong sabihin? Diba sabi ni Lady Eve, huwag tayong magtiwala kahit kanino, kahit sa isa't isa?"

Iyon ang mahaba niyang pahayag sa akin. Kasabay noon ang pagbabago ng ekspresyon ng kanyang mukha. She looks sad because of that advice given to us by Lady Evangeline before we left the academy's parallel dimension yesterday.

"Uy, huwag ka nang mag-emote diyan. We are the best of friends Ella and don't forget that. I know that I can trust you and you can trust me back too," paliwanag ko na lang sa kanya habang nakangiti. Lumiwanag at sumaya ulit ang mukha niya at nagulat ako nang napayakap pa siya sa akin.

"Waaa! Infairness, natouch ako sa mga sinabi mo. Sige na, ishare mo na sa akin ang gusto mong sabihin. I'll keep my mouth shut if its confidential."

I smiled at Ella before narrating my dream about the prophecy and the situation with Ophelia. All through out, tahimik at taimtim lang na nakikinig si Ella. Ito rin ang unang pagkakataon na hindi siya nagside comment habang nagsasalita ako.

Nang matapos ako sa pagsasalaysay ay ang tulala at nakangangang mukha ni Ella ang unang bumungad sa akin. Pinipigilan ko lang na hindi matawa dahil sa hitsura niya ngayon.

Ilang minuto pa ang lumipas pero hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng mukha ni Ella. Siya ang nagpatunay na mahirap talagang isink in ang mga impormasyong katulad nang sinabi ko kanina.

"Sana hindi mo na lang sinabi sa akin," tulala pa rin niyang litanya habang nakatitig sa isang sulok. Binigyan ko lang siya ng baso ng tubig na agad din naman niyang ininom.

At sa likod ay nakita kong paparating na si Gale. Magulo ang pagkakaayos ng kanyang kasuotan pero pogi pa rin siya kung tutuusin. Bagay talaga sila ng katabi ko. Pakipot pa kasi si Ella, halata namang gusto niya rin si Gale.

"Morning! Sorry nahuli ako. May inayos lang ako sa House namin," wika ni Gale sa amin. Nang marinig ni Ella ang boses ng lalaki ay bumalik naman siya agad sa katinuan.

"Okay lang Galeby! Basta pagdating sa iyo, I'm willing to wait," sabi naman ni Ella sa lalaki na kasalukuyang inilalapag ang mga laman ng basket sa mesa. Namula ang tenga ni Gale dahil doon.

"Cringe," malakas kong komento sa sinabi ng aking kaibigan. Kumunot naman ang noo ni Ella pagkatapos kaya napahalakhak ako.

Napatingin naman ako kay Gale na nasa harapan namin nakapuwesto. "Mas bagay kung ikaw ang babanat, Mr. Harper," wika ko naman sa lalaki kaya napakamot na lang siya sa kanyang batok.

"I'm not good in those," nahihiyang sambit ni Gale at nagulat naman ako nang biglang tumayo si Ella.

Kumindat siya kay Gale bago magsalita. "Well, you're in the right hands, Galeby. Tuturuan kita sa susunod basta sa akin mo lang iaapply, okay?"

Napahawak na lang ako sa aking tiyan nang sumakit iyon sa kakatawa dahil lang sa sinabi ni Ella. Iba rin talaga siya!

Kinilig naman ako nang makita kong tinignan ni Gale ang kaibigan ko at napatango. Tumili naman si Ella at tumalon-talon pa dahil sa simpleng gesture na iyon. Iba talaga kapag tinamaan ka na ng pag-ibig.

Napatawa na lang din si Gale sa ginawa ng huli.

Hinila ko ulit si Ella paupo dahil ang sama na ng tingin sa amin ng ibang trainees na nandito rin sa Promenade. "Bakit pala tumaas bigla ang pagkahyper mo ngayon?" tanong ko naman sa kanya. Ella always has that energetic vibe but right now, parang napasobra.

Her smile widened as it turned into a childish grin. "Well today is a brand new day!" wika niya sabay palakpak pa.

"Seriously?"

"Just kidding! Aside from having Galeby with us right now, masaya ako dahil ngayon ay matutupad na ang isa sa mga pangarap ko! Because today, Sir Callum will be teaching us how to fly!"

The Lost ProdigyWhere stories live. Discover now