Tahimik akong nagdasal habang tumatakbo papunta sa liwanag. Sa ilang minuto kong pagtakbo ay hindi ko inaasahang dadalhin ako ng aking mga paa sa isang baybayin. Pero nang tumitig ako sa langit ay labis akong namangha sa aking nakita.

Nanggagaling ang liwanag na nakita ko kanina sa isang malaking islang lumulutang sa kalangitan. Parang kinakalaban ng liwanag ang kadiliman.

It was a sight to behold. It was like a great divide. A colliding force between good and evil.

Natigil ako sa pagtingala sa kalangitan nang biglang nagsidatingan ang mga halimaw na humahabol sa akin. Susugod na sana sila ngunit agad akong pumunta sa tubig ng karagatan. Bigla akong nakaramdam ng kaginhawaan at nagulat na lang ako nang gumaling lahat ng aking mga sugat kanina.

Pero kinabahan ako nang makita kong may paparating na isang dambuhalang alon sa aking direksyon. Napakataas nito at tipong maabot na nito ang langit dagdagan pa ng nakakalula nitong laki. Akala ko mahahagip ako ng alon ngunit nagulat ako nang lampasan lang ako nito at dumiretso sa mga halimaw na tumangkang pumunta sa karagatan.

Marahas na hinampas ng alon ang mga halimaw na nagbalak sumugod kaya napaatras na lang sila mula rito at dumistansya muna.

Nakarinig naman ako ng isang nakakapanindig balahibong halakhak na nagmumula sa lalaking patuloy pa ring binabalot ng itim na usok, pero ngayon ay may halo na itong nagliliyab na pulang apoy.

"Is that all you can do, Maya?"

Kinabahan ako nang marinig ko ang pagtawag ng lalaki sa diyosang nagkaloob sa akin ng kapangyarihang kontrolin ang tubig. Sana walang gawing masama kay Goddess Maya ang lalaking iyon.

Patuloy ko pa ring nararanasan ang paninikip ng aking dibdid kahit nakawala na ako sa pwersang iyon kanina. Kinukuha talaga ng pwersang iyon ang enerhiya ng aking katawan kaya buong lakas akong pumalag. Ngayon ko pa lang naramdaman ang ganito kalakas at katinding presensya. Baka hindi isang ordinaryong magicae ang lalaking iyon. Siya ba si?

Napalingon ako nang maramdaman ko ulit ang pagtaas ng alon. At sa gitna nito ay nakita kong lumitaw ang isang babaeng may suot na kumikinang na puting bestida. Kagaya ng tubig ay malayang umaalon ang kanyang itim na buhok. Mahinhin at elegante siyang naglakad sa tubig habang unti unti itong humupa.

Hindi ko masyadong makita ang mukha ni Goddess Maya pero bakas ang alisto at pag-iingat sa kanyang bawat galaw. Dahil base sa kilos ng lalaking kaharap niya, hindi siya madaling kalaban.

"Stop this foolishness, Calev. You had already taken everything away from us. What do you want now?" Matalim at diretsahang tanong ni Goddess Maya sa lalaking iyon.

I covered my face in shock when things finally sank in. I realized that I was witnessing the event that happened many years ago. The Nox Deity's waging of war against the five immortals.

Halos manghina ako sa aking kinaroroonan dahil sa mga nangyayari ngayon. Kahit malabo ay nakita ko na ang diyos na pinag-ugatan ng lahat ng kasamaan at kadiliman sa planetang ito.

Pero bago pa makapagsalita ulit si Calev ay may sumulpot na malaking ipo ipo sa karagatan. Nag-iisa lang ito noong una pero bigla itong dumami. Halos tangayin na ako dahil sa lakas ng hangin pero mabuti na lang ay nanatiling nakalapag ang aking mga paa sa buhangin.

Sa pagtitig ko sa mga buhawi ay may nakita akong babae sa gitna nito. Mabilis siyang lumipad sa ere kagaya ng isang ibong malaya. Tumigil lang siya sa paglipad nang makarating siya sa tabi ni Goddess Maya.

"Do you ever get contented, Calev?" bungad nitong tanong habang pinalilibutan siya ng malilit na mga buhawi. Her raven black hair swayed wildly to the strong current of her wind.

The Lost ProdigyWhere stories live. Discover now